[Tyrone]
Nanlaki ang mga mata naming lahat sa ibinalita ni Ma'am Montes na sinabi sa kaniya ni Cara.
ANO? SI GABY? VIDEO? PANGAABUSO NI KENJI?!
Nagtinginan kaming mga seniors kaagad-agad dahil sa kaputanginahang narinig namin. Si Kenji? Abusado? Aba dapat si Gaby nga ang sinasabihan noon dahil sa mga eskandalo niya dati. Anong kaputanginahan 'to?
"Gago, bola tinitira ni Captain, hindi babae," sabi ni Shane.
"Tangina, siya nga 'yung abusado eh!" Si Jolo.
"Nagsanib pwersa ang Vloggers' Club at si Gaby? Katarantaduhan talaga kakalabasan," si Kian.
"Sigurado po ba kayong Vloggers' Club ang nagpublish?" Narinig kong tanong ni Jam.
"Yes. Iyun ang sinabi ni Cara," sagot ni Ma'am Montes.
Paano namin sasabihin ito kay Kenji ngayon? Sobrang daming masamang nagaganap, hindi ko alam kung paano ko iisaisahin sa kaniya.
At saka alam kong magwawala ng sobra si Marie kapag narinig niya ito. Tangina.
Siguro... mga alas syete ng gabi nang makita kong bumukas ang pinto ng dorm at nakabalik na si Marie. Magang-maga ang mata niya at may dugo pa rin ni Kenji sa tshirt at sa maong shorts niya. Wala siya sa sarili.
"Si Captain?" Tanong nila.
"Nagising na siya kanina for a brief moment, pero sabi niya masakit pa ang ulo niya kaya natulog uli. Nontheless, nasa clinic siya ngayon ng venue at doon nagpapahinga para hindi siya maistorbo," wala sa sariling sagot nito.
"Pwede ba kaming bumisita?" Tanong ni Harold.
"Pwede," ani ni Marie at saka naglakad papaalis ng dorm ulit. Agad ko siyang hinabol.
"Marie--"
"Alam ko na, Tyrone. Talo tayo," mahinang sabi nito.
"Sorry, hindi ko nagawang--"
"Wala kang kasalanan, Tyrone," sabi nito pero hindi pa rin lumingon sa akin at naglakad papunta sa dorm nila.
Hindi maganda ang kutob ko sa mga susunod na mangyayare. Palagay ko ay kailangan kong bantayan si Marie.
------
[Marie]
My tears are running down my face together with the water of the shower I am taking. Bumabagsak sa sahig ang pinaghalong luha ko, tubig ng shower at natuyong dugo ni Kenji sa katawan ko.
Putang ina, ang bigat-bigat.
Nasa clinic si Ma'am Montes at binabantayan si Kenji habang natutulog ito kaya wala akong kasama ngayong gabi. Nang matapos akong maligo, nagdamit agad ako.
I have one thing in my mind right now that I want to do.
Nagtali ako ng buhok at naglakad papalabas ng dorm namin para hanapin ang deputang hayop na iyon. Alam kong nandito lang iyon eh. Dito ko sila nakita kahapon.
Agad-agad ay nakita ko nga siya kasama ng mga myembro nila.
"Hoy!" Sigaw ko.
At nang lumingon siya sa akin ay sinabayan ko agad ng bigwas sa mukha niya dahilan para mapaupo siya sa sahig. Susugod pa sana ako kaso hinawakan na ako ng mga lalakeng kasama niya.

BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...