Chapter Nine

246 30 6
                                    


[Tyrone]

"Ty, napasa ko na sa kagrupo natin 'yung part ko sa group project kaninang umaga. Ikaw na bahalang tumapos ng dapat tapusin. Pupunta kami ni Marie ngayon para makipagmeeting sa coach ng Black Owls. Balitaan kita mamaya." Nakatanggap ako ng chat mula kay Kenji ngayong alas nuwebe ng umaga.

Ang haba ng part niya sa group project namin ah? Natapos niya na 'yon?

"Natulog ka ba?" Reply ko.

"Tatlong oras. Haha." May pa-haha pa si gago eh.

"Paguwi mo, matulog ka. Papatayin mo yata sarili mo."

"Sigurado 'yan. 'Yung pagtulog ang ibig kong sabihin."

Kahit kelan talaga 'tong lalake na 'to.

Sa totoo lang, noong sinabi niya na nagaaya ang Black Owls ng practice game sa amin, 'di ko na ikinagulat dahil alam ko namang maraming magaaya sa amin ngayong taon. Second place kaya kami sa top 4 last year! 'Yun lang, nagaalala din ako kay Kenji dahil pinupwersa niya sarili niya.

Eh tingin ko 'di naman ako dapat magalala dahil kasama naman niya si Marie. Sabi naman ni Marie na kayang kaya na daw niyang lumakad at makakapasok na siya bukas ng Lunes. Sabi ko na nga ba, hindi tao yung babaeng yon. Biro mo... sinapok na nga, hinostage pa, ta's nakuha pang makipagbugbugan. Basagulera talaga.


-----

[Marie]

Hininto ko 'yung sasakyan ko sa harap ng paresan na lagi naming kinakainan ni Kenji. Nandoon siya at naghihintay sa akin. Sumakay siya kaagad sa tabi ko.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"Eto, nakaGoogle map na." Sabi nito. "Restaurant lang 'yan."

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya. Mukha siyang pagod agad eh.

"Tatlong oras lang tulog ko dahil tinapos ko 'yung part ko sa project namin." Sabi nito at napipikitpikit na.

"Umidlip ka muna. Papunta pa lang naman tayo. Ako bahala sayo." Sabi ko sabay abot ng pillow head.
Kinuha niya ito at saka ngumiti sa akin. "Salamat, Marie." Ani niya tsaka sinuot yung pillow head at umidlip.

Hanga talaga ako sa taong 'to. Napagsasabay sabay niya lahat.

Binagalan ko ng konti yung pagmamaneho ko para makasulit siya ng tulog. Sa totoo niyan, iisang minuto pa lang nga inandar ko kanina, tulog na siya eh.

Nang makarating kami doon, kinalabit ko na siya para magising na siya. Nagising naman. Nakakatawa hitsura niya ng magising kasi parang kinocompute niya yung siglo na tinulog niya. Hahahaha.

Bumaba kami at saka pumunta sa loob ng restaurant. Doon, nakita namin 'yung middle aged guy kasama ang isang binata at isang babae. Sila na siguro 'yon. Nakasuot sila ng black varsity jacket na may tatak na owl na kulay white.

"Mr. Fajardo!" Sabi nito at saka nakipagkamay kay Kenji. Ako naman, bumati ng good morning pero nasa gilid lang ni Kenji.

"Kenji na lang po, coach Gutierrez." Sabi ni Kenji.

"You're too polite, young lad. At 'di lang yon, tunay ngang ikaw ang pretty boy ng hard court." Bola nito kay Kenji.

"Ay, salamat po." Nakangiting sagot ni Kenji. "This is my manager, Marie Angeles." Pakilala niya sakin.


"Hi." Tipid kong sagot. Hindi ako nahihiya, ayaw ko lang makipagusap.

"Wow, imported ang manager niyo ha? Nakakaintindi ba ng Filipino yan?"

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon