Chapter Fifty

163 11 1
                                        


[Kenji]

Naglalakad ako sa hallway ng building namin para umuwi na ngayong gabi. Hindi ko kasabay si Tyrone dahil siya ang leader sa thesis nila at kailangan pa niyang magtagal para ayusin ang partition ng trabaho ng grupo niya. Tutal, ineject akong leader ng grupo, iintayin ko na lang kung ano ang gustong ipagawa sa akin ng leader namin.

Puro paghahanda sa Intramurals ang ganap ngayon sa school kaya madalas walang klase. Isa pa, maaga din kung maguwian ang mga students kaya wala ng tao sa building namin.

"Hey~" Natigilan ako nang makita ko si Gab na nakatayo sa harap ko.

...

Hindi ko siya pinansin at naglakad papalagpas sa kaniya.

"So, ganito na lang?" Sinabi pa niya.

Naglalakad pa rin ako at hindi siya pinapansin. Parating nakatatak sa utak ko na pwede niya akong i-frame sa mga bagay na sasbnihin ko kaya mabuti ng wala akong sabihin.

Pero tumakbo siya papunta sa harap ko at hinarangan ako.

"If you're thinking if I am recording anything, I am not."

Tinitigan ko lang siya.

"If you want me to strip here to prove it, I will."

"Hindi na," tipid kong sagot.

"You finally talked, hun."

Hindi ako sumagot ulit.

"Well, mahirap ba mga nangyayare sa'yo?" Tanong niya sa tonong nangiinis.

"Gab, wala ako sa mood makipaglokohan sa'yo."

"Wala rin ako sa mood makipaglokohan sa'yo, Kenji."

"Ikaw ang nanloloko sa simula't sapul, Gab."

"Oh please. I did that because you left and embarrassed me over a petty child's game. How dare you."

Nagiinit na ang ulo ko.

"But... since I still love you, I have a way to clean your name, Kenji."

Nagtama ang mga kilay ko. Pero hindi ako nagsasalita.

"I can take back all the things I've said about you and tell everyone it's just a prank. In that way, malinis na agad ang name mo. But, in one condition... have sex with me." 

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ano? Deal?" Tanong pa niya

Bumuntong hininga ako at naglakad papaalis.

Naramdaman kong hinila niya ang braso ko.

"Bakit ayaw mo? Bakla ka ba?!" 

"Naririnig mo ba sarili mo, Gab? Magkadelikadesa ka naman! Respetuhin mo ang sarili mo!" Inis kong sabi at 'di na nakapagpigil.

"I knew it, bakla ka nga! Ever since na inaaya kita nuong tayo pa, you would always reject the idea of that!"

"Hindi porket ayaw ko ay bakla na ako. Ayaw ko dahil takot akong makagawa ng pagkakamali, Gab. At saka hindi ako ganoong tao!"

"Well then, ayaw mo talaga kahit na in exchange ay babawiin ko lahat ng sinabi ko sa video?!"

"Oo!"

"BUT WHY NOT?! Ang kapal ng mukha mo!"

"Eh hindi kita mahal eh! Isa pa, hindi ako ganoong tao!"

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon