Chapter Sixty Three

142 8 1
                                    


[Marie]

Medyo nagpanic ako nang makita ko si Kenji na nakatayo sa likod ko. Oh no. Lumalakas na tibok ng puso ko.

"A-akala ko nakikipaginuman ka sa kanila," sabi ko.

"Haha. Dinadaya ko 'yung alak. Nilalagay ko sa isang pitsel katabi ko 'yung mga tagay ko para kunwari umiinom ako," tapos tumawa siya.

"Ang utak," ako.

Ngumiti siya, "ayaw kong malasing. Nuong nakaraang nagpakalasing ako, sobrang sakit ng ulo ko."

"Kailan ka ba huling nagpakalasing?" Tanong ko.

"Nuong nakaraang taon. Si Tyrone lang kainuman ko," siya.

"Oh, but why?"

"Hmm, mahabang storya. Gusto mo umupo muna tayo sa buhanginan tapos kkwentuhan kita?"

"Sige," medyo kabado kong sabi at saka umupo katabi niya sa tabing dagat habang nakatingin sa langit.

Should I confess right now? Pero may sasabihin pa siya eh. Paunahin ko kaya muna?

"Ang payapa dito. Nabibingi kasi ako sa ingay doon sa inn eh," si Kenji habang nakatingin sa langit.

"Yeah. Ang haharot nila," ako.

Napangiti siya. "Handa ka na bang makinig sa kwento ko?"

Tumango ako habang nakatingin sa kaniya.

"Babae ang dahilan kaya ako uminom ng sobra noon," sabi niya pero sa langit pa rin nakatingin.

Nakaramdam ako ng paglamig ng katawan ko at parang may kumukurot sa dibdib ko.

"Bakit?" Mahina kong tanong.

"Natakot kasi ako noon. Akala ko iiwan ako ng babaeng iyon. Alam mo, iniisip ko pa lang na mawawala siya, parang hindi ko kakayanin, kaya nagpakalunod ako sa alak noon," nakangiti niyang sabi and still not looking at me.

What a lucky girl-

"Si Ga-bitch ba 'yan?" Tanong ko.

Natawa siya, "hindi! Hahaha!"

"Who?" Tanong ko.

Pagkatapos niyang matawa ay napayuko siya at saka huminga ng malalim.

"Akala ko talaga hindi na ako magmamahal uli matapos nuong nangyare sa amin ni Gaby, dahil nga sobrang nakakatrauma... pero hindi ko napigilan eh. Gustong-gusto ko talaga siya," nakayuko pa rin niyang sabi.

Napalunok ako. 

So there's someone else-

"She's really amazing. Ewan ko kung paano niya napapahinto ang mundo ko kapag tumitingin siya sa akin, pero nangyayare eh. Like it's the matrix. Isa pa, nakita niya ako sa paraang gusto kong makita ako. Halos lahat ng kilala ko, nakikita ako bilang si Kenji na gwapo, pero siya... nakita lang niya ako bilang si Kenji, si Kenji na mahal ang basketball."

"Is she a classmate?" Sobrang sakit pero tinanong ko pa rin.

Napangiti siya na parang matatawa tapos huminga ulit ng malalim. "Hindi."

"Sino then?"

"Strikto siyang tao, pero soft-hearted. Madalas maginit ang ulo niya pero mabilis din palamigin. Parati siyang nakasuporta sa team at siya na yata ang pinakamagaling magbasketball na babaeng kilala ko."

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon