Chapter Eighty

170 12 4
                                        

[Cara]

Nagkaroon ng panandaliang pagtitinginan between members nuong sinabi ni ate Marie na maglalaro rin siya.

"Kung sasali si ate Marie, dapat 'di kayo magkakampi, Captain," ani agad ni Jolo.

"Eguls!" Si kuya Harold.

"Eguls times two!" Si kuya Kian.

"What?
" Confused na tanong ni Xena.

Of course, hindi niya alam na si ate Marie ay isang high class point guard na player katulad ni kuya Kenji. She has no idea why they object so much if magiging magkakampi sila ni kuya Kenji.

"Relax, hindi kami magkakampi," nakangiting sagot ni kuya Kenji sa kanila.

"Yeah but Tyrone's mine," ate Marie pointed kay kuya Ty.

Nangisi ng konti si kuya Kenji, "bilis pumili ah!"

"Syempre!"
Ate Marie was so confident about this.

"Okay, sige. Sa'yo sila Ty, Kian, Arci, Harold, Samuel at Glai. Sa'kin sila Jam, Jolo, Red, Nicko, Kit at Xena," ani ni kuya Kenji.

"Deal," nakangiti pa rin si ate Marie filled with confidence.

"Alright, ako ang referee," ani ko.

"Thanks, Cara," nakangiting sabi ni kuya.

Then nakita kong lumapit si kuya Kenji kay ate Marie tapos binulungan niya ito. Matapos siyang bumulong ay namula bigla si ate Marie sabay hampas sa balikat niya.

"Sira ka talaga!" Namumulang sabi nito.

Natawa naman si kuya Kenji at kinurot pisngi niya.

Ewan ko kung ano 'yon pero ang cute nila. Hahahahaha!


-----
[Xena]

Not a clue why everyone objected of them being in the same team but this is good! For sure, dahil sa game na ito, magsisimula silang magaway! I am gonna show this bitch Marie that I am the best partner Kenji should have.

I am his princess! You can't object otherwise!!


We started warming up. Of course, nagulat ang mga kagrupo ko dahil pinakitaan ko sila ng good dribbling. So easy~

"Xena, anong position nilalaro mo?" Tanong ni Kenji.

"I am confident sa shots ko so shooting guard," I said in a very confident tone.

"Ah, okay. Sige. Laro ka na sa unang quarter. Kita mo 'yung nakataas ang buhok na singkit? 'Yun shooting guard ng kabila. Mas matangkad siya sa'yo ng sobra kaya titimingan mo ng maayos ang shots ah?" He told me.

Why does he have to be this perfect? ❤

"Just watch me~" I said.

"Okay."

"Ikaw, sino makakatapat mo sa kanila?"

"Girlfriend ko,"
nakangiti niya sabi.

IT INFRURIATES ME WHEN HE SAYS NA GIRLFRIEND NIYA YON. OKAY, BITCH. NOT FOR LONG.

AND WAIT! WHY IS HE SMILING WHEN HE SAID THAT?! 'DI BA DAPAT HE SHOULD BE LIKE WORRIED OR ANNOYED KASE GIRLFRIEND NIYA KATAPAT N'YA? WHY DOES HE LOOK EXCITED INSTEAD OF WORRIED?!

"'Wag mo s'yang pagbigyan kasi girlfriend mo s'ya!" Inis kong sabi.

Natawa siya bigla.

WHAT NOW?!

"Hinding-hindi ko 'yan gagawin," nakangiti niya sabi.

WAIT- IT SHOULD BE THE OPPOSSITE, RIGHT?! 'DI BA DAPAT PAG GANON, DADAYAIN MO PARA SA LOVER MO?

I DON'T GET IT!!!


---
[Marie]

"Kada three point shot ko, equivalent to 1 kiss. Deal?"


Baliw talaga 'tong si Kenji. Kung ano-ano pinagbububulong sa akin.

Dapat pala sinabi ko na kada 3point shot ko ren ay pipitikin ko ilong niya.

Pero grrrr!!! Kinikilig ako!!

"Hoy, Marieng biskwit! Ano plano sa gameplay??" Natauhan ako sa tawag ni Harold.

"Man to man," ani ko.

"Eka- sabi sa'kin ni Captain, SG daw 'yung babae."


Nilingon ko 'yung kabila. "Talaga?"

"Oo."

"Edi ilampaso mo 'yang twat na 'yan!"


Napangisi si Harold, "don't need to tell me twice."

"Pag nakita kitang pinagbigyan 'yan dahil babae 'yan, uumabagan talaga kita."


"'Di ako simp!" Bulalas nito.

Sakto naman din na before kami magstart, nakita namin si Ma'am Montes na pumasok sa gym. Nakablouse lang siya at maong. Nahihiya-hiya pa nga siyang pumasok eh. 


Though we want to greet her so bad, nakapwesto na kami kaya hindi na muna kami lumapit sa kaniya. Nandoon naman 'yung iba to accompany her.

Pagkahagis ng bola for the jumpball, nagpasikat agad si Tyrone by dominating Jam for the ball. Nakuha ni Glai ang bola.

"Nice," ani ko.

Ipapasa na sana ni Glai sa akin ang bola pero humarang agad sa akin si Kenji. He's wearing that cocky smile habang binabantayan ako.

Loko ka ah.



Taragya, bantay sarado amp. 'Di ako makatsempo!

"Tyrone!" Pinasa ni Glai ang bola kay Tyrone at agaran naman na naglay-up si Ty. Although Jam is doing pretty good, iba ang energy ni Tyrone ngayon.

Nandito kasi irog niya iii.

Next round, kanila ang bola. Of course hawak ito ni Kenji. Ako naman ang bantay sarado ngayon sa kaniya.

DEPUTA NAKANGITI PA RIN SIYA! KAHIT ANONG GWAPO MO 'DI MO KO MAIISAHAN!

PERO POTA NIKIKILIG AKO!

Nakita ng peripheral vision ko si Kit na chumechempo sa gilid. Kailangan alerto ako pag kumilos na siya.

Gumalaw si Kenji ng kaunti papunta sa direction ni Kit kaya naman nagside step ako papunta doon, but I stopped when I saw Kenji went back to his original position.

Then, I realized. Nasa 3 point area pala kami.

Then next thing I saw was Kenji, firmly shooting the ball. Natulala ako while seeing the ball fly and land sa mismong ring.

"3 POINT AGAAAD!" Sigaw ni Jolo.

Halos malaglag panga ko.

"Isa na," tinaas niya hintuturo niya habang nakangiti na nangiinis sa akin.

He's talking about the kiss.

KINIKILIG AKONG NAIINIS AMPOTA DI KO GETS!

I pouted.

"JUST WATCH!" Inis talo kong sagot.

"Sabi mo eh," ngisi niya.

Makikita mo talaga.


Next round, na sa akin ang bola. And of course, as predicted, he's guarding me tightly. But this time, I know what to do.

Sumimple si Arci sa gilid ko papunta sa likuran ko kaya kahit 'di ako nakatingin, pinasa ko sa likuran ko ang bola. Arci got it and he advanced sa ilalim. 'Yun lang, wala siyang laban sa depensa ni Jam. So he passed the ball sa pinakaliable magshoot nuong time na iyon, kay Harold. Pagkakuha ni Harold ng bola, nag long shot siya and pumasok.

"Niceee!" Ani namin.

"Hindi magaling sa depensa 'yung babae. Mani-mani lang pala eh," si Harold.

Then, I looked at Xena na nagdadabog sa inis.

"Ingat pa rin. For sure sanay siyang magshoot," ani ko.

"Yes, boss."

The next round hawak ni Kenji ang bola. Dinouble time namin siya ni Arci kaya hindi siya makaporma mag shoot, but he got the chance para ipasa kay Red ang bola.

If si Red ang magshoshoot, I think mananakaw ko pa ang bola sa ilalim kapag sumablay, I thought to myself.

So agad akong tumakbo sa ilalim ng ring malapit kay Tyrone.

Pero laking gulat ko nang pinasa ni Red patalikod ang bola.

Ang may hawak ngayon, si Kenji uli! At nasa three point area siya!

He shot it and it went in!

Holy shit! Poggers ang pagmumukha naming lahat.

"Thanks, Red," sabi ni Kenji kay Red.

"Basta sabi mo," ani naman ni Red.

And then Kenji looked at me with that smile again and he lifted his two fingers telling me that I owe him to kisses.

Siyempre gusto ko ng kiss pero gusto kong manalo so di ako papayag na matalo kame.

"Guys, guys, makinig kayo!"
Kinumpol ko mga kagrupo ko.

"Ano?"


"Matyagan n'yo si Kenji parate sa 3 point area, like PALAGI!"

"Bakit naman? Palagay ko napapabayaan lang natin siya kaya siya nakaka three point shot,"
si Arci.

"Hindi, basta. Hindi magshoshoot ng common shot 'yan, parating three points," medyo nahihiya kong sabi.

"Bakit?"

"Basta!"

"Sabi mo eh."


HUMANDA KA TALAGA SAKEN.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon