Chapter Thirty Four

195 13 4
                                        

[Marie]


"Kaya mong magfreethrow?" Tanong ng referee.

"Opo. Kailangan ko lang mabendahan ulit ang daliri ko," ani ni Kenji.

Pumunta kami kay Kenji para i-check ang daliri niya at bumuka ulit ang sugat niya sa middle finger niya. Tanda ni'yo? Natuklap ang kuko niya dahil sa laban namin sa Salamanders last week. Hindi pa rin fully healed ang daliri niya at may tape lang iyon lagi. Mukhang bumuka ang sugat niya sa pagkakatama ng kamay ng higanteng iyon noong pinalpal siya.

"Cara, tape-an mo," sabi ni Kenji.

"Okay," ani ni Cara at kumilos agad.

"Don't worry, Marie, kaya ko pa," sabi niya. Wala pa nga akong sinasabi, humirit na siya ng ganiyan. Haaay.

"Sabi mo eh," nakangusong sabi ko.

"Medyo hindi lang ako kumportableng magshoot dahil sumasakit na naman ang sugat, pero kaya ko." 

"I trust you," sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya at saka ngumiti sa akin.

"Malaking bagay 'yang sinabi mo sa akin," sabi niya.

Napakurap ako.

Ngumisi siya at saka hinila ng kanang kamay niya ang pisngi ko.

Dang! My heart skipped a beat!

"Salamat," sabi niya.

"Bakit ka nagt-thank you?" Nagiinit ang pisngi ko.

"Tapos na," sabi ni Cara.

"Balik na akong game," nakangiting sabi ni Kenji at saka bumalik sa game at iniwan akong nakatunganga doon.

Oh shit. I can feel the butterflies in my stomach. Tanginaaa.


Hindi talaga magpapatalo si Kenji kahit kanino. Kahit may sugat siya, napasok pa rin niya ang dalawang free throw using his right hand. At dahil nga bumukas ang sugat ng kaliwang kamay niya, sa kanan siya ngayon nagddribble. Left hand dominant si Kenji, pero kaya niya ding gamitin ang kanan niya. He made the score tie in the end of the third quarter.


"Taragis, ang sakit ng ulo ko kanina," ani ni Tyrone na nakahawak sa ulo niya habang naglalakad papunta sa bench.

"Kuya, 'wag ka munang tumayo," sabi ni Cara.

"Maglalaro na ako," sabi niya.

"HA?!" Gulat naming sabi.

"Tyrone!" Saway ni Ma'am Montes.

"Kaya ko na po. Kinailangan ko lang magpahinga," sabi niya.

"Sigurado ka?" Tanong ni Kenji.

"Ako pa?" 

"Okay, ako na ang magpapahinga," pagod na pagod na sabi ni Shane.

Pumamewang ako sa harapan ni Kapre. "Hoy, sigurado ka ba diyan sa desisyon mo sa buhay?"

"Marieng biskwit, kapag 'di ako lumaban, walang magrerebound. Pagod na rin si Kenji sa kaka steal ng rebound ng kalaban. Pagod na rin si Jam at Nicko dahil sa bigat ng trabaho nila," ani pa ni Tyrone.

Kumunot ang noo ko. 

NAPAKATITIGAS TALAGA NG ULO NG MGA SENIORS NAMIN.

"Babawian ko 'yang higanteng 'yan," sabi ni Ty.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon