Chapter Fifty Six

146 10 0
                                        

[Mina]

Fight, Freeze or Flight. Iyan ang three essential response ng utak sa isang delikadong situation. 

I wanted to freeze dahil sa takot, pero I gathered all my courage to run away. Hindi ko alintana ang takong ko dahil sa takot ko. I know na nasa loob pa rin ako ng school grounds, pero I still don't feel safe. Napakadilim sa school grounds and sa laki ng lugar na ito, it is very unlikely na makasalubong ako ng utility worker man lang.

Help!



-----

[Kenji]

"Parang kahit isang linggo akong matulog, kulang pa rin," reklamo ni Ty habang naglalakad kami sa labas ng building namin para umuwi na. Ngayon lang kasi sila natapos sa thesis nila... kaya ngayon lang kami naglalakad papauwi.

Ang dilim pala sa school pag ganitong oras na.

"Kaya binigay sa'yo ni Sir 'yung leadership, kasi ala, niyang kaya mo," sagot ko.

"Kung sana ba eh madaling kausap mga kagrupo ko. Haaaaay. Ang sakit ng balikat ko," sabi pa niya.

"Ang sarap matulog nito," sabi ko.

"Sinabi mo pa."

Pero ilang sandali lang, nkarinig kami ng mga pagyapak sa lupa sa bandang likuran namin.

"Tulong!" Natigilan kami nang may sumigaw.

Nang lumingon kami, nakita namin si Ma'am Montes na halos magkandarapang tumatakbo papunta sa amin.

"Ma'am!" Gulat na sabi ni Ty.

Si Ma'am naman ay agad na nagtago sa amin. Nangangatog ang buong katawan niya.

"Ma'am, anong nangyare?" Tanong ni Ty.

"May sumusunod sa akin!" Nangangatog niyang sabi.

Habang pinapakalma ni Ty si Ma'am, tumingin naman ako sa mga halamanan kung saan nanggaling si Ma'am. May isang poste lang doon na may ilaw.

"D'yan lang kayo," sabi ko at saka dahan-dahang naglakad papunta doon.

"Sinong nandyan?!" Tanong ko.

"Kenji, magiingat ka!" Sigaw ni Tyrone.

May kaunting pagkaluskos sa mga halamanan dahilan para maging alerto ako, pero ang hirap makita kung ano iyon dahil sa dilim.

Pero nagulat ako nang may lumipad sa mukha kong kumpol ng lupa. Napatakip ako gamit ang mga braso ko tapos nakakita ako ng anino ng isnag tao na tumatakbo papalayo sa amin. Sa sobrang dilim at dahil na rin sa mga lupa pa nakadikit sa akin, 'di ko nakita ng maayos kung sino ba iyon. Hindi ko nga alam kung babae o lalake.


"Kenji, 'wag mo nang habulin!" Sabi ni Tyrone.

Hindi ko na nga hinabol. Baka kasi may dala pang kung ano iyon at madisgrasya pa ako. Pero palagay ko... delikado si Ma'am Montes kung sakaling hindi niya kami nakita.

Nangangatog pa rin si Ma'am Montes nang balikan ko sila. Talagang takot na takot daw kasi siya dahil hinabol siya nito kanina. Napagdesisyunan naming i-report sa guard yung nangyare para makapaglibot sila sa school para mahanap nila kung sakali 'yung tao na iyon. Hinatid namin si Ma'am hanggang makasakay siya ng jeep at saka pa lang kami umuwi.

Mabuti pa, sabihan ko na rin ang buong team tungkol rito para makapagingat sila. Hindi maganda ang kutob ko rito.


The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon