[A/N: Hello, guys! We are now almost 1.5k reads! :D I beri happy! We are also now approaching a new arc of this story and the conflict starts with Cara and Jam's relationship.]
----------
[Ruru]
"Oh my gosh! CONGRATS!" Hiyaw ni ate Adi nang makauwi si ate Marie kasama ng magandang balita na kasama sila sa Regional Tournament.
"Congrats, ate!" Si ate Rinne.
"Congrats, babaeng may sayad," sabi ko habang buhat buhat ko si Pangkoy. "Congrats din sabi ni Pangkoy."
Ang lapad ng ngiti ni ate Marie, halatang sobrang saya niya. Masaya ako para sa kaniya.
Kinuwento ni ate Marie ang mga nangyare sa laban nila at habang nagkkwento siya, halatang halata sa mga mata niya na sobrang hinahangaan niya si Kuya Kenji. Ewan ko kung napapansin ito nila ate, pero her eyes are sparkling.
Malala na tama ni ate Marie.
Kuya Kenji seems to be a nice guy naman, so I think she's not falling in love with trash sad boy.
"Then, sweetheart, what's your plan sa feelings mo kay Kenji?" Tanong ni ate Adi.
Ngumuso si ate Marie at saka namula.
"I don't have any," sabi niya.
Typical ate Marie.
"Never bang pumasok sa isip mo na baka gusto ka rin niya?"
"Basketball lang nasa isip ni Kenji and it's better that way. I mean, we all need that."
"But how about you? How about your feelings for him?"
Bumuntong hininga si ate Marie. "I treasure our friendship very much, Adi. I don't want to risk it."
"I understand," sabi ni ate Adi. "Give yourself some time, hun."
"For now, what I need to worry is that we need to win this upcoming Regional tournament!"
"Labaaaan," sabi ko habang hawak si Pangkoy.
"Thanks, Berta," nakangiting sagot ni ate Marie.
"How about we celebrate by making cakes tomorrow? Sakto, uuwi na din parents ninyo bukas, right?" Si ate Adi.
"That would be fun!" Si ate Rinne.
Haaaay. 'Di ba pwedeng umorder na lang kami? Nakakapagod yan eh.
-----
[Jam]
"Nicko, pwede bang mauna na muna ako?" Tanong ko kay Nicko. Sabay kasi kaming kumain ng lunch at kakatapos ko lang.
"Sa'n ba punta mo?" Tanong niya.
"May aayusin lang," sabi ko.
"Sige."
"Salamat."
Pagkasabi niya noon, naglakad agad ako ng mabilis papuntang building ng mga nursing students. Nagpalinga-linga ako at hinanap siya. Alam kong dito lang sa Nursing Garden madalas tumambay 'yun.
Ilang sandali pa, nakita ko na siya. Kasama niya ang tatlo niyang kaibigan at kumakain silang magkakasama.
'Di ko mapigilan na kabahan habang lumalapit ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...