[Kenji]
Nang matapos kong kausapin si lola sa phone, lumabas na ako ng cottage para maligo sa bahay. Siguro bukas na lang ako ng umaga maliligo ulit sa dagat. Ang daming buhangin kasi at saka ang dami kong tubig alat na nainom kaya nawalan ako ng gana ngayon.
"HELP! HELP!! THE BLONDE GIRL!" Natigilan ako nang may mga batang sumisigaw malapit sa amin. Nakuha agad nila ang atensyon ko nang sinabi nilang blonde.
"Hey," tawag ko.
"Anong meron?" Si Cara sa gilid ko. Umahon na din yata siya sa dagat.
"THAT MISS BLONDE WHO GOT OUR BALL FOR US, SHE'S DROWNING! OVER THERE!"
Napatingin ako kung saan tumuro 'yung foreigner na bata at nanlaki mga mata ko nang makita ko 'yung asul na rashguard na suot ng babae na 'yon. Si Marie!!
Taranta kong hinagis kay Cara 'yung cellphone ko sabay takbo agad sa dagat. Ni hindi ko na naisip na sabihan si Cara kung ano gagawin kasi natataranta ako nang makita kong nagpupumilit sumigaw si Marie.
Buti sanay akong lumangoy.
Binigay ko lahat ng bilis na meron ako para lang makaabot kay Marie na hindi ko alam kung nanlalaban pa ba sa tubig.
Pero nagulat ako nang makita ko siyang pababa na ng tubig at 'di na gumagalaw.
Pagkuha ko sa kanya at pag angat sa tubig, wala s'yang malay.
"MARIE!!" Tapik ko sa pisngi niya.
Hindi na siya humihinga.
"KENJI!!" Sigaw ni Tyrone habang may hawak na salbabida na may tali. Humawak ako doon at hinila nila akong lahat papa-ahon.
"MEDIC?!" Binaba ko agad si Marie. Nanalalamig mga kamay ko.
"Papunta pa lang," si Ty.
"Tyrone, hindi na siya humihinga!" Nagpapanic kong sabi.
"Tabi!!" Sabi ni Cara at saka umupo sa harap ni Marie.
Tinakpan niya ang ilong ni Marie sabay lapat ng bibig niya kay Marie at nagperform ng CPR. Ilang segundo pa nagsimula siyang magpump sa dibdib nito ng mabilis habang nagbibilang.
Pakiusap gumana ka.
Nagcpr ulit si Cara.
"Ehem! Ehemm!" Nabuhayan kami ng loob nang biglang umubo si Marie. Ubo ito ng ubo at naglabasan ang mga tubig sa bibig at ilong niya.
"Ateee!!" Tuwang tuwa na sabi ni Cara.
"Oh my god," bulong ni Marie.
"She's alive!" Sabi nuong mga bata na tumawag sa amin kanina.
"Anong nangyare?" Sabi ni Marie.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umakap agad sa kaniya ng mahigpit habang nakakahinga ng malalim.
Akala ko mawawala na siya sa akin.
"You saved me?" Tanong niya habang nakaakap ako sa kaniya.
"Ingat ka next time," 'yun lang nagawa kong sabihin.
"Sorry," siya.
"Tinakot mo ko," mahinang bulong ko at saka ako kumalas sa yakap.
"Did you... give me..." tapos napahawak siya sa labi niya.
"Hindi. Ako lang nagahon sayo, pero si Cara nagCPR," sagot ko.

BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...