[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...
Maputing maputi si Marie kaya kitang kita ang pamumula ng mukha niya.
"I am all ears," sabi ko. "Relax ka lang."
"Racism," sabi nito.
Natigilan ako.
Inintay ko lang siya magsalita.
"Kilala mo ako, wala akong pakialam kung ano ang tingin ng ibang tao sa akin... pero... may mga pagkakataong naapektuhan ako."
"All ears," sabi ko uli.
"Hindi pantay ang turing nila sa akin dahil half-American ako. Masiyadong mataas ang tingin nila sa akin, to the point na kapag ginugrupo ako sa isang group project, parati nilang sinasabi na unfair na kapag nasa isang grupo ako. Kapag may ginagawa ako, lagi silang nakatingin dahil nakikita nilang kakaiba yon. Kapag magsasalita ako, sinasabihan nilang 'wag akong magEnglish kasi hindi sila makaksagot."
"Fluent ka naman sa Tagalog ah?"
"Hindi ko kasi sila masiyadong kinakausap kaya akala nila Englisera ako."
Tumango ako.
"Nakakainis. Alam kong hindi kasing lala ng ibang racism nararanasan ko, pero naiinis ako kapag hindi ako tinuturing na equal. Ang gusto ko lang naman kasi... magkaroon ng normal na buhay sa college."
Nakikinig lang ako sa kaniya.
"Isa pa, lagi rin silang nakatingin sa panlabas kong anyo! Naiinis din ako duon. Eh ano ngayon kung blue mata ko tsaka dilaw ang buhok ko? I know it's different but I just want them to fucking see me as a normal person!" Nagsimula ng lumakas ang boses niya.
Akala ko ako lang ang may problema sa hitsura. Siya din pala.
"I hate the kind of attention they're giving me, that's why I skipped my lectures," sabi nito.
Nararamdaman ko siya. Sa totoo lang din, ayaw na ayaw kong pinapansin lang ako ng mga tao dahil sa hitsura ko. Bata pa lang din kasi, parati na akong sinasabihan na "magandang lalake" ako. Nasanay na ako at sinubukan kong tingnan 'yon as a positive trait, pero habang tumatagal, nakakainis na nga rin kasi puro iyon ang unang nakikita ng mga tao sa akin. Gusto kong makilala bilang si "Kenji na ace playing-coach ng Wyverns" at hindi si "Kenji na magandang lalake". Gusto kong makilala ako dahil passion ko at hindi dahil sa hitsura ko lang.
Siguro, kaya ko rin nagustuhan si Marie kasi iyon ang una niyang nakita sa akin. Nakita niya ako agad sa paraang gusto kong makilala ako. Ni hindi niya sinabi sa akin na gwapo ako o ano, pero sinasabi niya sa akin lagi kung gaano siya humahanga sa paglalaro at sa passion ko sa basketball. Sobrang... sobrang laking bagay noon sakin.
"Marie, naiintindihan kita," sabi ko.
"Yeah, at some point, we are in the same boat."
"Walang mali sa'yo, Marie pero sa kanila siguro, meron."
Nakanguso siyang tumingin sa akin.
"Nang makilala kita, hindi ko inisip ang kahit ano sa mga nabanggit mong iniisip at tinatrato sayo ng mga classmates mo. Basta ang alam ko lang, pinagkakatiwalaan kita at napakahusay mong maglaro," nakangiting sabi ko.
"....talaga?" Nakangusong sabi nito.
Cute.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.