Chapter Seventy Two

141 13 1
                                    

[A/N: Sorry at nalate. Umuwi sa amin bf ko for 4 days and 'di ko naasikaso haha.]

[Marie]

Sabog pero 'di papakabog.

12 ang klase ko pero 10 palang ay umalis na ako ng bahay dahil marami-rami akong prof na kakausapin. Hopefully, makuha ko 'to sa remedials. Ayaw kong mag extra sem.

"Oh, Marie? Nakabalik ka na pala. Buti naman at gising na tatay mo," si Sir Torres, prof ko sa major subjects.

"Salamat po," ani ko.

"Hmm, 3 months is a hard decision. Kaya mo bang maghabol ng mga namiss mo? Mahaba-haba 'yon? Pwede mo namang ideretso drop-out at magapply na lang ulit ng bagong scholarship," ani ni Sir.

"Sayang ang semester, sir!" Ako.

"Hmmm, sige. Ililista ko lahat ng need mong habulin sa subjects ko. Mabuti pa ay kausapin mo rin iba mong subjects, okay?"

"Understood po."

"Haha. Hindi ka talaga sumusuko, ano? Parang 'yung basketball team ninyo lang. Sadly, ayun nga. But I just want you to know na they did their best din," ani ni Sir.

Huh????

"Po?"

"Hnm?"

"Ano pong mayroon sa basketball team?" Confused kong tanong.

"You don't know? Eliminated na ang Wyverns sa Provincials. Natalo sila kahapon sa Hawks."

That statement made me froze.

The last time Kenji and I was talking nga pala... he mentioned na laban nila ng Friday, which is kahapon.

They...They lost?

"Kenji did his best. Mabigat lang talaga pag walang coach, ano? Tapos wala ka pa."

There's this sharp pain sa puso ko nang marinig ko iyon.

Oh no.

"Si-Sir, balikan ko po kayo!" Taranta kong paalam at saka ako nagtatakbo papuntang Computer Science building.

May pasok ba sila ngayon? Meron or wala?! Hindi ko alam! Pero sana nandito siya!!

Hinanap ko sa mga schedules ang BSCS4-1A at sa room na nakita ko, kakatapos lang nila ng klase, being 10:30 ng umaga.

"Kenji?!" Taranta kong sigaw sa loob ng room. Walang teacher sa loob though.

Hinanap siya ng mata ko, pero wala siya.

Nangangatog ang mga paa ko.

"Si Kenji Fajardo?" One girl asked.

"O-oo."

"Ahh, lumabas siya kanina. Nasa gym yata. May meeting silang team," ani niya.

"Salamat!" Sabi ko at saka nagtatakbo papuntang court.

Habang tumatakbo ako papuntang court, naghahalo halo sa utak ko ang lahat. The pain, grief at inis sa sarili ko.

One thing: I wasn't there.

And it fucking breaks my heart to see them lost because and I couldn't do shit.

Moreover... that moment when Kenji cried on my shoulder nuong natalo kami sa Salamanders flashed sa utak ko.

How did he cry yesterday? Someone had to offer their shoulder sa kaniya since I wasn't there.

Unti unti kong nararamdaman ang pagikot ng sikmura ko.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon