Chapter Seven

292 31 6
                                        

[Jam]

Nangangatog kaming lahat habang sinusundan namin 'yung sasakyan na kumuha kay ate Marie gamit 'yung sasakyan ni ate Marie. Buti na lang, tinuruan ako ng mga tito ko paano magdrive at iniwan ni ate Marie na nakabukas yung sasakyan niya kasama 'yung susi.

"Ano? Natawagan n'yo na si Captain?" Tanong ko.

"Oo, tatawag na daw siya ng pulis." Sabi ni Kit.

"Pota, papunta na tayong lugar na walang katao-kato a?" Sabi ni Samuel. Nag-Google Street na sila para maunahan namin saan papunta yung mga kumuha kila ate Marie.

"Jam, maglagay ka distansya sa kanila para hindi tayo mahuli. May parang bakanteng lote dito pag liko sa kanan. Sure ball, dun punta niyan." Ani ni Nicko.

"'Ge, nagsend na ba kayo ng location kay Captain?"

"Oo, okay na." Sabi  ni Arci.

Pareparehas kaming may malalaking daga sa dibdib habang nakasunod pa rin du'n sa van. Ilang segundo nga, lumiko ito sa kanan. Ito na nga 'yung sinasabi ni Samuel na bakanteng lote. Pinark ko 'yung sasakyan bago lumiko du'n sa kanto tapos sabay-sabay kaming bumaba na anim. Para kaming mga ninja na nagmamasid sa paligid.


"Get your fuckin' hands off me! Douchebags!"

Ang layo pa lang namin sa likuan, naririnig na namin boses ni ate Marie.


"Ang gulo ng isang to a!"

"NageEnglish pa! Di namin naiintindihan yan." Reklamo nu'ng mga kumuha sa kaniya.

"Kako 'wag n'yo kong hawakan mga mabababantot na nilalang! Putangina n'yo!" Sigaw ulit ni ate Marie.

Nagtinginan na lang kaming anim. Wala talaga kaming masabi kay ate Marie. 

May bakod sa gilid 'yung bakanteng lote at doon kami nagsiksikan para makita ang mga ganap. Kinakabahan pa rin kami ng sobra dahil alam naman namin na mapapaaway kami dito, pero ayos lang sa amin. Si ate Marie ang pinaguusapan dito.

Apat yung may hawak kay ate Marie tapos may isang lalake ang nasa lote na nagiintay sa kanila. Sino 'tong mga 'to?

"Eto ba ginagawa mo sa mga babaeng ayaw magpaligaw sa'yo?" Naririnig namin ang pinaguusapan nila at nakikita namin kung gaano nanlilisik sa galit mga mata ani Ate.

"Mamaya lang 'di mo na masasabi yan pag pinatungan na kita." Sabi noong lalake tapos uminom ng beer sa isang bote.

Duon palang, naghanda na kami. Royal Rumble na 'to. 

"Papunta na daw si Captain kasama ng mga pulis." Bulong ni Glai.

Pakibilisan, please!

"Anong papasok mo sa'kin? Yan? Sing lambot naman ng tokwa 'yan." Damn! Ate Marie atapang atao.

"Baka magmakaawa ka pa sa akin ng isa pang round." Sabi nung lalake.

Dinuran siya ni ate Marie sa mukha.

"Okay, ganito. Pagsugod natin, kuha agad tayo ng isang target. Tapos ikaw, Jam, kunin mo si Ate Marie ha? Tapos pag di na sila makakalaban, takbo tayo sa van." Mabilis na sabi ni Arci. Nakakaramdam kasi siyang malapit nang magsimula ang rumble.

"Tangina mo!" Sigaw nu'ng lalaki tapos sinapok niya si ate Marie gamit yu'ng bote na hawak niya. Nabasag yung bote sa pagkakahampas sa mukha ni ate Marie. Ilang segundo lang, yumuko si ate Marie habang hawak nung mga lalake. Nawalan siya ng malay.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon