[Marie]
Ahh, bastusan ah? Sige. Bastusan kung bastusan.
Okay, aamin ako, may kaunting selos doon sa part na 'yon, pero mas naiinis ako sa part na ibang klase umasta ngayon etong twat na 'to porket naka isang combo sila ng boyfriend ko.
Isang combo lang 'yan, humanda ka sa akin ngayon.
----
[Cara]"Nakakatakot si Marie," bulong ni Ma'am Montes sa akin.
Nakatingin ako kay ate Marie na may hawak ng bola ngayon. Mabagal siyang magdribble habang naglalakad papunta sa harap ni kuya Kenji.
Nakita kong may sinabi si kuya Kenji, pero hindi sumasagot si ate Marie. Yari na. Mainit ulo niya.
Palobo niyang hinagis kay Arci ang bola at dito na nagsimula ang aksyon. Mabilis na tumakbo si ate Marie sa gilid ng court, samantalang natunugan agad ni Arci ang gagawin nila, kaya binalik niya kay ate Marie ang bola. Akala ng lahat ay magshshoot siya pero palobo niyang hinagis ang bola sa ring. Doon, nag alleyoop si kuya Tyrone.
Yumanig buong court.
"KYAAA!!" Tili ni Ma'am Montes.
Halatain ka, Ma'am.
Nag highfive sila Arci, Kuya Ty at ate Marie. But although nakascore, hindi pa rin ngumingiti si ate Marie.
Mainit pa rin ulo niya.
This time, na kay Kuya Kenji ang bola. Pero hindi pa siya nakakaabante ay sinubukan agad i-steal ni ate ang bola sa kaniya, but his reflexes are very good kaya hindi nawala sa kaniya ang bola, iyon lang, medyo kinabahan siya doon kaya pinasa niya agad ang bola sa pinakamalapit na kagrupo niya, kay Xena.
Doon, bantay sarado na si kuya Harold sa kaniya kaya hindi na siya makashoot. Hindi rin siya makalusot dito. Then, binalak niyang ipasa kay kuya Kenji ulit ang bola, pero mabilis na sumingit si ate Marie at nasteal niya ang bola. Agad agad siyang tumakbo pabalik ng ring nila, sabay hinto sa three point area at nagshoot.
Ano pa bang inaasahan? Pumasok.
Wow.
That's 68-61. Lamang sila ate Marie.
----
[Marie]"Nice, Biskwit!" Sigaw ni Harold.
"Marami pa kong reserba dito," sagot ko.
Then, tumingin ako sa kabilang grupo. I can see Xena throwing her tantrums sa harap ng members nila.
'Di pa ko tapos, boi.
Na kay Kenji ang bola kaya agad akong bumalik sa pagiging seryoso ko.
Magkatapat kaming dalawa."Seryoso mo ah?" Nakangiting pangiinis niya.
Hindi muna uubra sa akin 'yan. I am itching to obliterate you...
Pero syempre, love pa rin kita.
Nag-changing phase si Kenji sa pagddribble ng bola. Wow. Okay, you want maximum effort? I'll give you maximum effort.
Pero natigilan ako nang pinasa niya sa likuran 'yung bola at nakuha 'to ni Nicko. Agad namang humarang si Ty kay Nicko na hirap sa depensa niya. Nakita kong nakaambang din si Harold kay Nicko kung ipapasa ba niya pabalik kay Kenji, kaya wala sa isip niyang bantayan si Xena.
Okay, I know where is this going.
Walang choice si Nicko kaya pinasa niya kay Xena ang bola. Sa pagkakataong 'yon, nagpalit kami ni Harold ng bantayin.

BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...