Chapter Twenty Eight

228 15 4
                                        


---

[Kenji]

"Okay ka lang?" Tanong ko.

"O-Okay lang! Ako na kukuha!" Sabi niya tapos yumuko para kunin yu'ng panyo ko sa sahig.

"Hindi, ako na," sabi ko tapos yumuko din kaso nagkaso nagkasabay kami at nagkauntugan. Napaatras akong nakahawak sa ulo ko kasi malakas din pagkakahampas eh.

"Aray!" 

Nakahawak ako sa ulo ko, pero siya una kong tiningnan. Nakahawak din siya sa ulo niya at halatang nasaktan talaga siya.

Lumakad ako papunta sa kaniya, "tingnan natin kung may bukol." 

Mamaya ko na lang check ang sarili ko, si Marie muna.

"Hah?!" Para bang gulat na gulat at 'di makapaniwala niyang sabi. 

????

"Okay lang ako!" Dagdag pa niya tapos umiwas ng tingin sa akin.

Napakurap lang akong nakatingin sa kaniya. Naguguluhan ako. 

"May problema ba?" Concerned kong tanong. "Parang aligaga ka," dagdag ko pa.

Binuhol niya ang mga braso niya, "puyat lang siguro."

"Kaka-Tamagotchi mo 'yan 'no?" Natatawa kong sabi tapos kinuha ko yu'ng panyo ko sa sahig. Puyat lang naman pala. Nagalala ako doon.

"Bakit 'di mo yata kasabay si Tyrone?" Tanong niya.

"May inasikaso kasi siya eh," sagot ko.

"Aah," tumango-tango siya.

"Bakit? Gusto mo one-on-one tayo?" Nakangiti kong panghahamon sa kaniya.

Biglang nanlaki mga mata niya tapos biglang... namula ang mukha niya.

"Ha?" Ani niya.

Galit ba siya? Namumula siya eh.

"Ah- kung ayaw mo, okay lang. Binibiro lang din kita," bawi ko. Pinagpapawisan na ako ng malapot kasi baka nainis ko si Marie.

Lumipas ang ilang segundo pero hindi pa rin siya sumasagot. Nako, baka naiinis na talaga siya.

"Marie?" Tawag ko.

"Ah!" Gulat niyang sabi.

"Galit ka?" Tanong ko.

"Huh? Hindi," kunot noo niyang sabi.

Kumunot din ang noo ko. Naguguluhan ako, pero ang mahalaga, hindi siya galit.

Pero... ang gulong kausap ni Marie ngayon. Malamang wala pa talaga siyang matinong tulog.

"Marie, palagay ko kailangan mong matulog talaga. Natutulala ka madalas," payo ko.

"Oo nga eh," kunot noo niya sabi. Halatang pati siya naguguluhan sa sarili niya. Hahaha.

Cute.

"Oy," sakto namang pumasok si Tyrone sa gym. "Nandiyan na pala kayo," sabi niya.

"Oo," sagot ko.

Matapos no'on, nagsunod sunod na ang mga pasok ng mga members namin. Pare-parehas na kaming naghanda para sa practice ngayong hapon. At nga pala, kasama na uli namin si Jolo.

Pero kahit busy ako sa practice namin, ninanakawan ko pa rin ng tingin si Marie dahil nga nag-aalala ako sa kaniya. Baka kasi madisgrasya na naman siya dahil may pagka-sabaw nga siya ngayong araw.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon