[Cara]
"Nakita na tayo ni Kuya Kenji. Mahiya ka naman," sabi ko at saka tinulak si Jam papalayo.
"Cara, seryoso ako," sabi niya.
"Lakompake."
"Just one chance," sabi niya.
"You really don't have any idea of how I felt, do you? You messed up big time and you still justified that you never cheated on me... but in fact, you did. What happened way back then really brought me to my knees, Jam. And the hatred I feel never went away," galit na sabi ko.
"Tell me what I can do... Cara. Handa ako," nakayuko niyang sabi.
"What you can do is to stay the fuck away from me, okay?!" Napasigaw ako kahit ayaw ko.
And there's this head ringing silence between us.
Binuhat niya ang icebox at naglakad papaalis ng sala.
Napaluha ako matapos noon. Hindi ko alam kung bakit ako lumuluha. Is it pain? Grief? Anger? Sadness? Or the thought of him asking for another chance? Hindi ko alam. Siguro nagsama-sama na. I just want to cry.
I don't understand how people just stand up like that, say sorry and ask for another chance after they destroyed someone's heart into pieces. What Jam did to me is something that sent me to the depths of my own abyss. It's like he slapped my existence to death. Sobrang nagago ang pagkatao ko.
I can feel the intense anger eating me up like hell sa mismong kinatatayuan ko. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.
Gusto ko lang ng peace of mind.
---
[Tyrone]
Naiwan kami ni Ma'am na nagaasikaso ng mga iihaw. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita.
Kailangan ba may sabihin ako? Ang awkward eh. Dapat basagin ko man lang katahimikan, 'di ba?
Pero sisinghap pa lang ako ng sasabihin, biglang dumating si Jam at sobrang lata nitong binaba ang icebox na may marinated meat.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
Tumango lang siya at saka naglakad papaalis.
Napano iyon?
"Okay lang kaya siya?" Tanong ni Ma'am.
"Hindi ko po sigurado," sagot ko.
Tapos nakita naming bumalik si Cara na namumula at mata at sumisinghot ng sipon. Nagtinginan kami ni Ma'am kasi parang alam na namin.
Ang awkward naman nito.
"Sige, kuya. Ako na bahalang mag-grill kasama si Ma'am," ani ni Cara.
May balak pa naman akong dumamoves... pero sige.
"Okay," ani ko sabay alis sa pwesto ko.
Ang ginawa ko ay tinulungan ko na lang yung iba maghanda ng mga lamesa, pagkain at kung ano-ano pa. Nang makaihaw na sila Ma'am at Cara ng marami-rami, nagsimula na kaming kumain. Marami namang pagkain ang nandito. Inihaw, hotdogs, itlog, mechado ni Marie, mga prutas at juice.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Kenji. Dalawang pinggan ang dala niya.
"Dadalhan ko sana si Marie sa kwarto," sagot niya.

BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...