Chapter Forty Nine

128 10 2
                                    

[Kenji]

"Leader ng group five ay ikaw, Kenji," sabi ng prof ko.

"Sige po."

"Okay. Sa lahat ng grupo, dapat next week lang ay handa na ang inyong proposed problem ng thesis, okay? Ako ang magaappove niyan."

"Yes, sir."

"Dismissed."

Matapos noon, tumayo ako para kausapin ang mga kagrupo ko sa thesis. Lima kami, pero 'di ko kagrupo si Tyrone. 

"Magplano tayo," sabi ko.

Nakita kong nagtinginan ang mga kagrupo ko sa isa't-isa.

"Kenji... I think ibigay mo na lang kay Ethel 'yung leadership. Medyo... off kami sa'yo," sabi ni Wency.

"Yeah, baka ipahamak mo ang grupo eh," sabi ni Joco.

"Teka, hindi ko kayo naiintindihan," kunot noo kong sabi.

"Ayaw sabihin ng iba pero ako, sasabihin ko. Ayaw ka naming kagrupo, Kenji. Ayaw namin sa isang manipulative sad boi na namppwersa ng babae," sabi ni Ethel.

"Classmate ko kayo for 3 years, alam ko--"

"We don't trust you anymore, Kenji. Napagaling mong magsinungaling pala eh," hindi na ako pinatapos ni Ethel. "Pero sige, tutal nandito ka na lang rin, 'di ka namin papaalisin. Pero ayaw namin ng titirahin kami sa likod, okay? At dapat, sa akin na ang leadership."

Hindi ako makasagot. Hindi ako makapaniwalang sa tinagal tagal naming magkakaklase, sa iba pa sila naniwala. 

Bumuntong hininga ako.

"Sige."


----

[Marie]

"Ang chaka ng lakad mo, bakla! Lagyan mo ng kembot! Pak, ganern!" Pangungulit sa akin ni Randall habang nasa room kami at nilalakad ko yung heels ko.

Nakakayamot naman kasi itong heels yawa! Napakataas!

"Ang daming kalyo pa ng paa mo, sis! Kalyo-serye! Yaya dub ka, teh?" Sabi pa niya.

"'Di ko maintindihan pinagsasasabi mo pero I am trying me best to walk!" Yamot kong sabi.

"Lagyan mo kasi ng kembot!" Sabi ni Lara.

"Ang ganda ganda ng tone ng pwet mo, dapat gamitin mo!" Si Diana.

"'Wag n'yo ngang tingnan pwet ko!"

"Ganito palakad oh! Dapat parang nakacross! Hindi yung sakang!" Tapos rumampa si Randall sa room sabay ikot at pose. "Ganeeerrn!"

Sinubukan kong gayahin ang ginawa niya. Though I think I did it, medyo may pagaalangan ako kasi I am not this feminine and hirap akong magheels.

"Ayan ghorl! You're getting it na!" Si Diana.

"Isang rampa pa uli!" 

And so, nilakad ko ng nilakad ang heels at nagpractice ng tamang posture. I kept in mind lahat ng sinasabi nila. I also kept in mind that I should look sophisticated. It's what Adi told me.

Puro ganoon lang ang ginagawa namin sa loob ng room. Kailangan ko na daw kasing masanay dahil pag nagpractice kami ng rampa next week, naka highheels kaming lahat.

"Girl, ang chaka talaga ng paa mo. Daming kalyo. Pa footspa ka bago ka lumaban ha?" Si Randall.

"Magagawa ko eh parati akong nakabasketball shoes nuong nakaraam dahil parati kaming may practice?" sagot.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon