Chapter Sixty Eight

154 7 3
                                        


[Ruru]

"Cheer for Wyverns para sa akin, Berta! Labyu!"

Sabi ng 'di Berta pangalan ko! Si ate Marie talaga.

Today is the first day ng Block C sa elimination games ng Provincial tournament at may apat na laro na magaganap ngayon at bukas. Bilang isang alipin ng eskwelahan na pinagaaralan ko, kailangan kong dumalo sa apat na laro na iyon para madagdagan ang extra curricular activities ko at ma-maintain ko average ko. Haaaay. What a drag.

Ang laban na magaganap ngayon ay ang Red Hawks vs Black Whales, Emerald Wyverns vs. Scarlet Claws, Sunset Eagles vs Ivory Tigers at Grey Howlers vs Thunder Cats. Honestly, wala naman talaga akong pakialam sa ibang teams liban sa team nila ate Marie.

Sana... sana manalo ang team nila ate Marie. Sobrang hirap na ng pinagdadaanan niya at alam kong kapag nagchampion sila this year, malaki ang maiboboost nito sa mood ni ate. Sabi sa akin ni ate Adi kasi, may mga araw na hindi na kumakain si ate Marie because of the stress and anxiety. I know where ate Marie is coming from. I cannot blame her. Kaya I am really hoping na manalo sila sa tournament at magising na rin si tito Alec.

It's been rough... really.

"Ruru, anong oras ba punta mo sa sports complex?" Tanong ni Papa.

"Dadaan po muna akong school tapos po pupunta na."

"'Di ka ba maliligaw, anak? Malayo-layo 'yun tsaka 'di mo alam kung saan."

"Hindi naman po. If ever, nandoon din si ate Rinne. Kung maligaw ako, siya magrerecord ng unang game," sabi ko.

"Sige. Ingat kayo ah?"

"Okay po, papa."

Since wala pa rin sila ate Marie sa Pinas, kami pa rin ni Papa ang nakatira sa bahay nila at nagaalalaga ng mga furbabies nila: yung apat na aso at isang hamster ni ate Adi. It's the reason why hindi ko rin makakasabay ang ate ko papuntang sports complex kahit na sinabi niyang manonood din siya.

Bakit siya manonood kamo ng basketball game? Mag kasama kasi sila ni Kuya Hiro (pinsan namin na hindi related kay ate Marie) and Kuya Hiro is a starting member ng basketball team ng state univ nila called Cyan Wolves. Nahihilig kasing sumama ngayon si ate Rinne kay kuya dahil she likes basketball too. Senior high pa nga lang 'yan, may mga kaibigan na siyang basketball players.

Also, ate Rinne made friends with that guy na nakatama ng bola sa kaniya nuong nakaraan. I believe his name is Cyrus. Nagpunta na rin iyun sa bahay namin kasama si Kuya Hiro noon and I am having this vibes na he likes my sister.

But honestly terrified of balls now. Unang meeting ni ate Marie and Kuya Kenji started with a ball on her face. Then, ate Rinne is now so close with this Cyrus guy na nakatama ng bola sa ulo niya. Heck-- I don't like sports and guys. Are we clear with that?

Hay.

Dumaan muna ako sa school namin para kunin 'yung press ID na gagamitin ko para makapasok sa media section ng court. Mas maganda kasi pwesto don kaya it's a must to get it.





"Ate?" Katawagan ko si ate Rinne sa phone.

Taragis. Sobrang late na ako.

Anak ng tokwa, sana nag trike na lang ako imbis na magjeep!

"Ru? Saan ka na? 3rd quarter na 1st nuong game ah!"

Ah shit.

"Natraffic ako eh. Nilalakad ko na lang 'yung complex. Kaya ko naman lakarin. Mas mabilis pang maglakad."

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon