Chapter Forty Seven

161 10 1
                                        


[Cara]

Tapos na ang tatlong araw ng exams, pero hindi pa ito ang katapusan ng lahat para sa amin. Dahil nga freshmen kami, may isa pa kaming subject na kailangang bigyan ng performance bago kami makaraos sa semester na ito.

NSTP 1.

Nakahelera lahat ng mga freshmen ng school ngayon dahil ang final task namin sa NSTP ay tumulong sa pagbibigay ng relief goods at libreng health check up sa mga taong nasalanta ng bagyo nitong nakaraan lang. Pupunta kami sa evacuation center na naka-assign sa amin at doon kami gagawa ng mga trabaho namin.

"Bawat non-nursing section, bibigyan ng pitong nursing students bilang kapartner sa designated evacuation center, ha?" Sabi ng isang prof namin.

I got assigned as the leader ng nursing group namin. Tapos, binigay sa akin 'yung section na makakasama namin in performing the task. And oh! HELL NO! BSIT1-A! Nandito si Jam.

Great. He's the last person I want to be with.

Damn it.


----

[Marie]

Tahimik akong naglalakad papunta sa faculty para magpasa ng huling requirements ko for this semester habang nagiisip.

Yeah, things aren't going any good for us. Kenji is still in the worst position he can be in. Marami talagang naniniwala sa bruha na iyon at she fucking does her best to keep the issue alive as much as she can. The worst part is... supports for her and that shitty club are flooding. Tapos, si Kenji ang nagmumukhang kontrabida sa lahat.

About Kenji, he does his best to go to school and do minimal interactions with people as much as he can. Buti na lang din talaga at patapos na ang semester kaya hindi siya nahihirapan sa mga classes niya. Tyrone told me that only few of his classmates talk to him.

Of course, I just don't want to stand here and look. I can't bare it in all honesty. After a depressing loss sa Regionals ganitong kagaguhan ang hinaharap namin. We clearly don't fucking deserve this.

Pagkarating ko sa faculty para magpasa ay saktong nakita ko 'yung tatlong kaklase kong babae na kausap ang prof namin. I ignored them and talked to my prof.

"Sir, eto na po," sabi ko sabay bigay ng folder ko.

"Oh, Lara, eto na si Marie oh," sabi ng prof ko.

Tumaas ang isang sulok ng kilay ko. 

????

"Eh, siiir, nahihiya kami," sabi ng classmate ko.

Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanila. 

"Bakit?" Tanong ko.


-----

[Jam]

"'Di ka okay no?" Bulong ni Nicko habang nakasakay kami sa isang bulok na bus papuntang evacuation center na naka assigned sa amin.

"Hindi," sagot ko.

Paano ako magiging okay kung si Cara kasama namin sa task na ito? Alam kong ayaw na ayaw niyang nakikita ako dahil sa mga kasalanang nagawa ko sa kaniya.

"Plano mo?" Tanong niya.

"'Di ko alam," sagot ko.

Malayo-layo din ang binyahe namin at napakalubak ng daan kaya halos tumalon-talon na yung bus namin dahil sa lambot ng lupa. Ilang oras pa, nakarating kami sa isang basketball complex na ginawang evacuation center ng mga tao.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon