[Kenji]
"Marie, mamaya ka na mag-Tamagotchi," saway ko kay Marie. "Naglalakad tayo sa daan."
Tumingin lang ito sa akin na nakanguso habang hawak pa rin Tamagotchi niya na parang bata. "Okay," sabi niya sabay lagay sa bulsa ng Tamagotchi niya.
Ngumiti ako, "ayan. Good."
Naglalakad kami ni Marie ngayon papunta sa office ng nagmamanage ng buong Year-start Provincial Tournament para kunin ang schedule at certificate namin. Opisyal na kasing isa kami Final Four na teams. Ang apat na team na 'yon ang nakapasok sa Finals at ang mga maglalaban laban sa susunod na dalawang linggo. May dalawa lang na team ang pipiliin para makasali sa Year-start Regional Tournament.
Last year, nanalo kami sa Provincials pero top 2 lang kami. Determinado akong bawian ang team na tumalo sa amin last year.
"Kenji," tawag niya.
"Hm?"
"Nagugutom na ako."
Natawa ako ng kaunti, "'di ka ba naglunch papunta dito?"
Umiling ito.
"Sige, pagkatapos nating kunin yung dapat nating kunin, kakain na tayo. Saglit lang naman 'yun eh."
"Sige!"
Pumunta kami sa office ng sports complex na nilalaruan namin. Pumasok kami ni Marie at kinuha na ang certificate.
"Talagang wala kayong coach, ano?" Sabi nuong official na nagaayos ng papeles.
"Meron po, siya," tumuro sa akin si Marie.
Tinaasan siya ng kilay nuong matandang nagaayos ng papeles. "Opisyal na coach."
"Siya nga po," tumaas din kilay ni Marie.
Nako-
----
[Marie]
"Playing coach iyan, hija," sinusungitan na ako ng gurang na ito.
"Bakit, hindi po ba iyon considered na coach?" Naiinis na ako.
Naramdaman kong hinawakan ni Kenji pulso ko para awatin ako.
"Ako po ang official playing coach ng team," kalmadong sabi ni Kenji habang nakangiti.
Naningkit ang mata sa amin nuong gurang na nagaayos ng papeles. "Sige, sa pangalan mo nakapangalan ang coach ng team, ha?" Medyo naiinis pa ring sabi nito.
"Sige po," kalmado lang si Kenji.
I still feel annoyed matapos naming lumabas ng office. Ang kulit ng gurang na iyon! Official coach naman si Kenji ah? Playing nga lang pero siya pa rin ang coach ng team.
"Marie, wag ka agad maiinis," kunot noong pangaral sa akin ni Kenji.
"I feel like he's underestimating you for not calling you as an official playing coach. ang bigat kaya ng trabaho mo tapos hindi ka pa kikilalaning coach? Nakakainis kaya," inis kong paliwanag.
Bumuntong hininga siya, "alam kong naiinis ka, pero ganoon talaga. Hindi pa kasi sila nakakaencounter ng isang playing coach kaya nahihirapan silang initindihin iyon. Isa pa, nasa akin naman na nakapangalan ang coach eh, kaya 'wag ka nang mainis."

BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...