Chapter Forty

200 9 3
                                        

[Tyrone]

"Bakit ba kasi kailangan pa nating pumunta sa university ng mga butiki na iyon? 'Di ba dapat ipick up na lang tayo ng bus?" Inis na sabi ni Samuel habang nakasakay kami sa jeep.

"Eh kasi babalik lang ulit 'yung bus pag sinundo pa tayo. Tsaka co-champion lang tayo ng Provincials," paliwanag ni Jolo.

"Mga racist sila!" Si Samuel.

Nagtawanan kami.

Buti na lang at walang nakakarinig sa amin na ibang tao. Inarkila na kasi namin itong jeep papuntang sakayan ng tren. Magkakasama kaming mga lalake sa loob tapos si Marie at Ma'am Montes naman sa harapan.

Ilang minuto pa, nakarating na kami sa estasyon ng tren. Hay. Payday Saturday ngayon kaya ang daming taong nasa loob. Buti na lang at nagkasya pa kami, pero may kasikipan na sa loob.

Partida, ito ang unang station. Paano pa kaya pag nadagdagan 'to mamaya?

Napansin ko si Ma'am Montes na hirap na hirap na nakahawak sa handler na nakasabit sa taas ng tren. Banat na banat yung braso niya.

"Ma'am, du'n po kaya kayo sa may pole?" Tanong ko.

"Ayaw kong lumakad pa papunta du'n habang umaandar ang tren, baka masubsob ako sa ibang tao," sabi niya.

Ako nahihirapan sa hitsura niya. 

"Pwede bang humawak na lang ako sa braso mo habang nakahawa ka sa handler?" Tanong niya.

Ha? Teka- sa braso ko? Sa'kin? Ako?

"Aah- ehh..."

Nagpupuppy eyes siya saken mga tol! Potangina papakasalan ko 'to!

"Sige po," iyon na lang ang nasabi ko habang sinusubukang itago ang kilig ko.

Habang nakahawak ako sa handler ng tren, nakahawak naman siya sa braso ko. Tangina. Tanginaaaa.

12 stations paaaaa!

-----

[Marie]

Medyo masikip na sa loob nang makapasok kami kanina pero nagulat ako nang makita ko yung dami ng tao na papasok pagdating namin sa 2nd station. DEPUTA!!! MAGIGING LEGIT SARDINAS KAMI NITO!

Naramdaman ko na ang sobrang pagsikip ng lugar nang magpasukan na 'yung mga tao sa tren. As in naghahalo halo na mga amoy namin doon.

Amoy baby ako pagkaalis ko ng bahay. Siguradong amoy digmaan na ako pagkalabas ko ng tren.

Pero naramdaman kong may humila sa akin papunta sa kabilang side ng tren bago pa ako tuluyang mapipi sa kinatatayuan ko kanina. Si Kenji! Pinapwesto niya ako sa harap ng cart tren tapos humarang siya sa harapan ko para hindi ako mapipi.

"Th-thanks," sabi ko.

Pusang ina mo na iyan, ang lapit ng mukha niya sa' kin.

"Okay ka lang? Baka kasi madala ka ng anod ng mga tao doon eh. Isa pa, maraming mga mahilig sumimple ng hipo dito kaya hinila kita."

"O-okay lang. Thanks," I can feel my face flushing.

Akala ko hanggang don na lang ang sikip, pero walanjo! May mga pumasok pa sa tren sa pangatlong station! This time, legit, dikit dikit na ng sobra ang mga tao!

Natulak si Kenji dahilan para madikit siya sa'kin ng sobra-sobra. As in napipipi kaming dalawa-- mali, napipipi kaming lahat sa loob. Pota. Dikit na dikit 'yung mukha ko sa balikat niya!

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon