Chapter Fifty Five

132 8 0
                                    


[Tyrone]

"Tyrone, paano 'to?"

"Ty, pwedeng patulong?"

"Ty, pwede na ba 'tong scope?"

"Ty, bakit ganito?"

Parang gusto ko nang iumpog ang sarili kong ulo sa pader dahil sa thesis na ito. Sinabi ko naman na hindi ako leader-type, pero sinosort sa average namin ang mga leaders kaya nadamay ako.

Sumasakit na ulo ko dahil puro Tyrone dito, Tyrone doon! 

Itong thesis yata na 'to tatapos sa buhay ko.




"Ano, kaya pa?" Tanong ni Kenji habang naglulunch kami.

"Wednesday pa lang, pero ubos na lakas ko hanggang Friday," sagot ko.

"Maganda naman ang problem ninyo ah? Bakit sobrang naiistressed ka?" Tanong niya.

"Bakit hindi? Eh tanong ng tanong mga kagrupo ko. Ilang beses ko na pinagpaliwanagan, tatanong pa uli. Warak na plaka na nga ako eh," reklamo ko.

"Maganda talagang gumawa ng magkakasama para hindi lang sila sa'yo nagtatanong, ano sa tingin mo?"

"Magandang idea nga 'yan, pero irregular 'yung isa kong kagrupo kaya nagaadjust din kami ng oras," napabuntong hininga ako.

"Hayaan mo. May practice naman tayo bukas. Mawawala stress mo," nakangiting sabi ni Kenji.

"Namimiss ko na nga magbasketball," sabi ko. Namimiss ko na rin 'yung 1st semester na walang thesis.

Mas nakakapagod talaga pag mentally drained ka. Pag kasi physically drained lang, itulog mo lang, tapos na eh. Pero pag mentally, kahit isang buong araw kang matulog... di pa rin sapat.

Haaay.



------

[Mina]

Malata akong naglakad pabalik ng faculty after I confirmed that I need Sir Jerome pa to sign the papers para marelease 'yung cheque sa team. 

I know he's not gonna do it for free, though. Mababawasan 'yung premyo ng team. And I don't want that. Pinaghirapan nila 'yun eh.



"Mga Ma'am, nasaan po si Sir Jerome?" Tanong ko sa mga colleagues kong nasa faculty.

"Klase niya ngayon sa tourism building eh," sagot ni Ma'am Vidal.

Sir Jerome is a P.E. teacher, by the way.

"Sa mga sophomores ba?" Tanong ko.

"Yup," sagot niya.

Tutal naman at wala akong klase ngayon, napagdesisyunan kong puntahan at hanapin si Sir sa tourism building para sabihan siya about sa papeles. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi siya humingi ng pera sa prize ng team.


Nagpunta ako sa tourism building at hinanap ko si Sir sa lahat ng floors, pero wala siya doon. That's weird. Dismissed na din ang mga sophomores na class niya.

I was wandering pa rin sa grounds ng nursing building para hanapin si Sir nang marinig ko ang boses niya sa may bandang likuran. Naglakad ako papuntang likuran ng building.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon