Chapter Eight

302 32 7
                                        

[Adi]

Magkabaliktad pa yata ang tsinelas na suot ko or 'di ko alam if magkapares sila kasi napasakay agad ako ng taxi papuntang hospital nang tumawag sa akin yung captain ni Marie sa basketball club. He briefly explained to me what happened and hindi ako makapaniwala. I hope my twin is okay. 

Aligagang-aligaga ako nang makarating akong hospital. Nagtanong ako agad kung nasaan si Marie at di ko mapigilan ang sarili kong mangatog sa takot habang naglalakad papunta sa room kung nasaan si Marie.



"My goodness, Adi! Okay ka lang?!" Oh my lord! She's still alive! Nakahiga siya sa kama.

"Marie!" Umakap ako agad sa kaniya sa higaan.

"Bakit? Akala mo ba mamamatay na ako?" Tanong nito.

"I was so worried!" I cried.

"Uhmm, ikaw ba ang kamaganak ng pasyente?" Natigilan lang ako nang puntahan ako ng doctor.

"Y-yes!" Inayos ko agad sarili ko. Nakakahiya!

"Don't worry, she's okay naman. We performed a head CT-scan and nakita naming may mild traumatic brain injury ang kambal mo. Gagaling naman siya. Sa ngayon, I advice na 'wag muna siyang pumasok from 3-7 days at magpahinga na lang muna sa bahay. May mga gamot na rin akong inireseta sa kaniya. She might experience some vomiting and blacking out paminsan-minsan dahil sa injury, pero normal lang 'yon. Kailangan niya lang inumin yung gamot."

"Yes, doc." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

Sakto naman, pumasok yung captain ni Marie and yung mga bata niya. I thanked them immediately and told them the results of Marie's test. Napahingang malalim sila in relief. 

"Sa ngayon, nakakulong yung pasimuno nito. 'Yun ang sabi ng mga pulis. " Sabi ni Kenji.

"YEAH MABULOK SANA YUNG BWAKANANGSHIT NA YON DON!" My twin said while being bed ridden.

"Marie, 'wag mo pwersahin sarili mo." Kenji told her.

"Eh putangina niya ka-- ughh..." sumakit yata ulo niya uli.

"Oh shush!" Sabi ko kay Marie. "Get some rest. Iuuwi na kita." Sabi ko.

"Yung sasakyan niyo pala ay nasa parking lot ng hospital. Ako na rin nagpaalam sa mga magulang ng mga freshmen tungkol sa nangyare. All is good. Pwede na kayong umuwi ni Marie." Sabi uli ni Kenji.

"I haven't thanked you yet for helping my us. We owe you a lot." I said. 

"Ginawa ko lang kung ano magagawa ko." He said smilingly. 

My, Marie has such good people around her!

--

[Ruru]

Sumakay ako sa terminal ng jeep papuntang bahay nila ate Marie.

"Ruru, bebe, wala kang pasok pag Wednesday, di 'ba? Can you go here so may magbabantay kay Marie? Whole day pasok ko ng Wednesday eh. I'll treat you a new book if papayag ka. Labyu!" Text ni ate Adi sa akin kahapon.

Bagong libro ba kamo? Sige.

"Siyaman 'yan! Siyaman!" Sigaw nung lalake sa labas ng jeep.

"Kuya, puno na eh!" Sabi nung babaeng katabi ko.

"May bayad ba 'yang anak mo?" Ani nito.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon