Chapter Forty Five

155 12 3
                                        

[Marie]

Pare-pareho kaming nakatayo sa gate ng venue dala-dala ang mga gamit namin at nagiintay ng bus dahil uuwi na kami. Dapat ay kahapon pa kami nakauwi pero nagkainjury nga si Kenji kaya pinagpaliban muna. Pati tuloy ang Golden Salamanders ay nadelayed ang uwi. Kahapon din sana ang uwi nila kasabay namin since parehas kaming talo, iyon lang, nadelayed dahil kay Kenji. Kasabay pa rin namin sila ngayon sa bus.

And yeah, ang nagchampion sa Regionals ay ang Winged Emperors. Sila 'yung tumalo sa Salamanders kahapon. Tinambakan nila ang Andromeda sa score na 53-112.

Buti nga sa mga animal na iyon.

Pero bago pa dumating yung bus namin, nakita ko ang Andromeda na nakaempake na rin at nagiintay ng bus nila. Sinamaan ko sila ng tingin.

Nakita kong sinamaan din ako ng tingin ng captain nila, pero hindi makatingin sa akin ng deretso 'yung Denzel. Pinakyu ko 'yung captain nila.

"Alam kong mainit ang ulo mo, pero ibaba mo na iyan. Tinalo naman sila ng Emperors kanina," nagulat akong binulungan ako ni Marko.

Napanguso akong binaba ang kamay ko.

"Si Kenji na lang ang i-prioritize mo, Ms. Manager. Kailangan niya kayo," sabi pa nito.

"Yeah," pagsangayon ko.

There, napatingin ako kay Kenji. Halatang ang lalim ng iniisip niya. He must be still hurting dahil sa pagkakatalo namin and sumabay pa 'yung basura niyang ex. Goodness, he deserves a fucking break!

Nang dumating ang bus, nagsipasukan na kami at tahimik lang kaming lahat habang nakaupo. Wala eh, talo kami eh. Pero in fairness sa Salamanders, inaalalayan din nila si Kenji sa pagpasok nito sa bus. Talagang rivals lang sila sa basketball, but matitinong tao naman sila off court.

Katulad dati, magkatabi ulit kami ni Kenji sa bus. Pero this time, he is really silent. Kahit hindi niya sabihin, halata sa mga mata niya na he's thinking of the possible moves he will do para sa controversial video na nilabas ng basura niyang ex. 

I want to make his everything alright... really. But at this point, I think... I am going to leave him with his thoughts muna. He needs privacy. 

But yeah... 

"Hey," tawag ko.

Lumingon siya sakin.

"If ever you need me, I am here, okay?" Sabi ko.

He gave a gentle smile, "oo, Marie. Salamat."




----

[Adi]

"Frosty the snowman, was a jolly happy soul!" I sang while making Christmas cookies for noche buena later! Aaa, I love Christmas!

But kahit anong gawin ko, twinny seems to be sluggish pa rin. She's been like that for days. Kahit anong gawin ko to cheer her up, hindi ko maibalik ang dating energy niya.

Siyempre, alam ko kung ano ang mga nangyare. She was crying when she told me when she got home. I know how much my sister loves basketball and how much she likes Kenji, so talagang dama ko ang intensity ng mga nangyare sa kaniya. And mabigat na nga ang nangyare sa Regional Tournament, may issue pa regards du'n sa ghoorl sa park na ex ni Kenji. My goodness! Ladies can be really evil and manipulative sometimes. My twinny's soulmate does not deserve this!

"Honey," tawag ko kay Marie and umakap ako sa kaniya. Nakaupo lang kasi siya sa sofa at nakatulala. "What do you want to do for Christmas?"

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon