Chapter Forty Three

135 9 1
                                    


[Marie]

Katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Anong sasabihin ko? Pagkakataon ko na ba para tanungin kung gusto niya ba ako in a way na gusto ko siya?

PAANO KUNG NAGIGING FRIENDLY LANG SIYA? WHAT IF HE'S LIKE THIS TO ALL PEOPLE!

"HOOOY!"  

Parehas kaming nagulat nang biglang sumulpot sila Shane, Glai, Samuel, Kit, Arci at Jolo sa harap namin. Kumakain sila ng tusok-tusok.

"Ang seryoso niyo ah," panunukso ni Shane.

"Ah, may pinaguusapan lang," kalmadong sabi ni Kenji habang nakangiti. He looks so casual. 

"Y-yeah," sabi ko.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Kenji.

"Bumili kami ng Tusok-tusok diyan sa tapat," si Arci.

"Tanginang fishball 'yan, piso isa. Pambihira!" Si Jolo.

"Gago, 'yung siomai nga, limang piso ang isa. Tangina, gawa sa ginto amputa!" Si Samuel.

"Pinaluguan ko na lang ng sauce 'yung binili ko makabawi man lang," si Kit.

Buti na lang din at dumating ang mga 'to. Way to break that awkward atmosphere kanina. Nayari ako eh, 'di ko alam isasagot ko.

Then, I looked at Kenji while he is casually talking to them. He looks so calm. Tingin ko tuloy, ako lang ang kinakabahan sa aming dalawa kanina. 

Haay.

'Di ko na alam ang mararamdaman ko.


------

[Mina]

"Hello? Cara?" Nakaupo ako sa Jollibee habang nagiintay ng take-out order ko. May signal sa lugar na ito na medyo may kalayuan from the venue kaya nakakatawag ako using data.

"Ma'am!" 

"We won the second game, Cara! Bukas na ang finals!"

"Buti naman! Finally, may good news din."

"How's everything there?"

"Not good, ma'am. I confronted them kaninang umaga, but they're really into it. Umaarte sila para hindi ako makapiga ng information. Also, kahapon lang lumabas ang video na yon at kalat na kalat na agad sa buong school. This is crazy."

Napapikit ako.

What should I do?


----

[Marie]

Nang makabalik si Ma'am Montes mula sa labas, nagkainan sila sa loob ng dorm. Kinuha ko na lang yung sandwich ko mula sa dorm namin at doon pa rin kumain sa dorm nila. It's fun when I am with them.

"Namiss ko tuloy pares sa atin," sabi ni Kenji habang kumakain ng Chicken Joy. 

"Yeah, namimiss ko 'yung toyomansi ta's sabaw," sagot ko.

"Namimiss n'yo lang magdate eh," bumubulong si Ty.

Uminit ang mukha ko, pero agad ko pa rin siyang siniko.

"Bawal ako mainjured! Amasona ka talaga," ani nito.

"Balibag kita eh," sabi ko.

"Kenji, inaaway ako oh."

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon