Chapter Seventy

162 10 1
                                        

[Ruru]

Nakanganga ako ngayon habang nakatingin kay kuya Kenji na naglalaro para sa ikatlong laban nila for the eliminations.

What in the actual heck? Siya 'yan?

Ngayong ko lang kasi siya nakitang maglaro.

Naaalala ko tuloy nuong sinabi sa akin ni ate Marie ang tungkol kay kuya Kenji kapag naglalaro siya. Hindi daw niya makilala ito dahil halimaw ito sa court. Agresibo, mabilis, tuso at alerto.

Inaasahan ko naman na magbabago siya, pero hindi ng ganito. Parang tunay na ibang tao na iyang nasa court. Nanghahamon talaga siya ng mga kalaban habang nakangiti na para bang nangiinis.

Napalunok ako.

Kaya pala malakas ang tama ni ate Marie sa kaniya eh.


Simula nang pumasok si kuya Kenji sa laban nitong 4th quarter, lalong tumaas ang lamang nila sa Grey Howlers. Holy crap. Papunta ng 60 points lamang nila.

Hindi mapigilan ng crowd lalong lalo na ng mga babae ang hiyaw nila pag si kuya Kenji na ang may hawak ng bola. Iilang linggo pa lang akong nagdodocument ng basketball games, pero masasabi kong sobrang gifted ni kuya na maglaro. Ang taas ng kalibre niya. Acting coach pa siya niyan.

Bagay talaga sila ni ate Marie.


Nang matapos ang laban nila. Tumakbo ako agad kila kuya Kenji.

"Picture?" Alok ko.

Napangiti siya, "sige."

"Ang galing mo pala maglaro," sabi ko.

"Salamat, Ruru."

"Sayang lang at hindi napanood ni ate Marie."

Nagbago ang expression ng mukha niya, "oo nga eh, pero ang mahalaga, gising na daddy niya."

Tumingin ako sa mga mata ni kuya Kenji. I can trace that bittersweet feeling sa mga mata niya. I know masaya siya dahil gising na si tito Alec, pero alam ko ding sobra-sobrang namimiss na niya si ate Marie. 

Hopefully, she comes home soon. As of now kasi, wala din daw silang idea kung kailan sila uuwi since tito Alec is trying to recover pa.

Kumuha ako ng litrato ng team nila para may isesend ako kay ate Marie later. Matapos noon, lumabas na ako at nakita ko sila Jean at Karlo na nagiintay sa akin. Napagkasunduan naming kumain sa isang simpleng karendirya sa may tapat.

"P're, nasilip kita kanina. Kausap mo iyong ace playing coach ng Wyverns. Kilala mo ba iyon? Akala ko ba Cyan Wolves sinusuportahan mo?" Si Karlo.

"Pinsan ko 'yung manager ng Wyverns pero wala siya dito ngayon. Sa Wolves naman, may pinsan at kilala din ako doon pero hindi ako sumusuporta totally dahil wala naman talaga akong hilig sa basketball. Ginagawa ko lang trabaho ko sa club," sabi ko bago sumubo ng Tonkatsu.

"Pinsan mo 'yung manager? 'Yung Amerikana?" Si Jean.

"Kilala mo si ate Marie?"

"Ah, hindi naman kilala. Siyempre, third year na ako at nakalaban na namin ang Wyverns sa Provincials at nakasama namin sila sa Regionals nuong nakaraang taon, kaya pamilyar siya sa akin," si Jean.

"Kaya pala."

"Tanda ko nga na naaksidente 'yung captain ng Wyverns nuon sa Regionals kaya natalo sila. May hiwa siya sa sentido noon kaya na-out siya sa game, tapos naghamon ng away 'yung Amerikanang manager sa kabilang team nuon eh," si Jean ulit.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon