Chapter Sixty Six

150 12 11
                                        

[Ruru]

"Aray!" Diniinan ko pa 'yung paglalakagay ng yelo sa ulo ng ate ko dahilan para umangil siya.

"Gulo mo kase," sagot ko.

"Sorry."

Ganito kasi iyon, unang araw ng pagiging college niya, tinamaan ng bola ng basketball sa ulo si ate nuong binisita niya 'yung isa naming pinsan (hindi related kay ate Marie) sa gym. Ewan ko ba dito. Athletic pero sabaw.

I am starting to think na I should get away from any type of balls. Tinamaan din ng bola si ate Marie sa mukhang noon eh.

"Ang sweet naman ng mga binibini ko," si Mama.

"Ahh.. ehem," napatingin kami lahat kay Papa na mukhang sobrang balisa. Hawak niya ang cellphone niya.

"Bakit, Papa?" Si Ate Rinne.

Huminga ng malalim si Papa, "naaksidente si Alec."

Nanlaki ang mga mata ko. Tito Alec is ate Marie and Ate Adi's dad. 

"Buhay pa?" Tanong ko.

"Coma," nakayukong sabi ni Papa.

Nagtiningan kami nila ate at Mama.

"Kinausap ako ng iba naming kapatid na ako muna bahala sa bahay nila Marie. Pupunta sila ng States ngayon kasama tita nila," paliwanag ni Papa.

I instantly felt sorry for ate Marie and ate Adi. Alam kong sobrang mahal nila si tito Alec.

"Ru, do'n muna tayo titira sa bahay ng ate mo. Kailangan kong tingnan mga alaga nila doon, at ako rin mangangalaga ng bahay."

"Okay," pagpayag ko.

'Yung araw din na iyon ay nagayos ako ng gamit ko dahil nga lilipat kami ni Papa ng bahay. Sanay naman kami sa ganito. Nuon ding kasing umaalis-alis sila ate papuntang States, si Papa ang nangangalaga ng bahay nila. 

I just wished na iba 'yung reason kung bakit sila umalis, pero wala na. Nangyare na.

Around 5:40 nang makarating kami ng bahay nila ate Marie at naabutan ko silang dalawa na nagiiyakan kasama ang Amerikanang tita nila. I don't usually hug people pero my ates deserved it kaya inakap ko sila.

Matapos ang ilang usapan, they left. Naiwan kami ni Papa sa loob. 

I hope that everything is gonna be alright in the future.


------------

[Adi]

Aunt Cris said that our flight tonight is a VIP dahil ito ay mula sa basketball association na pinagttrabahuhan ni Daddy, kaya konting papers lang inasikaso namin so we could leave agad-agad.

Inakap ko ang kambal ko na iyak ng iyak pa rin kahit ilang oras na ang nakakaraan since she last saw Kenji. Naghahalo-halo na siguro ang lahat sa kaniya. Si daddy, si Kenji, her team and everything.

"I'm here," I cried too while hugging her.


Nang makarating kami sa plane, wala sa sarili si Marie and she looks so emotionless. Tahimik siyang umupo sa tabi ng bintana ng plane and she just... stared at it.


"I'll be going now, baby. I love you," I chatted Seth.

"I'll be there soon. Love you," he replied.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon