Chapter Twelve

271 18 10
                                        

[Kenji]

"Eto, Nicko, dito ka magfocus. May kulang sa ginawa mong code." Sabi ko kay Nicko habang tinuturuan ko siya.

Nang makarating si Ruru sa bahay nila Marie, nagsimula na kami. Sa ngayon, si Samuel, Kit at Arci ay tinuturuan ni Ruru ng Physics, si Nicko ay sa akin at si Glai ay kay Tyrone. Si Jam at Marie naman, naghahanda ng ipapareview sa kanila matapos nila sa nirereview nila ngayon. 

Palagay ko maganda naman ang ginagawa naming pagtutulungan para maisalba ang grades nila. Alam kong makakatulong ito ng malaki.

"Jam, tapos ka na sa reviewer?" Tanong ni Marie.

"Oo."

"Tulungan mo akong magluto. Gagawa ako ng kare-kare." Sabi ni Marie.

Ah yeah, nagambagan kami para pambili ng mga p'edeng iluto para sa araw na ito. Nakakatuwa din kasi para kaming nagcacamping.

"Hindi nga eh, hindi ganyan ang formula." Nakikita kong medyo naiinis na si Ruru sa mga freshmen pero tinitiis niya. 

"Alin ba kase tamang formula?" Tanong ni Arci.

"Ayan oh, depungol ka kasi 'di ka nagbabasa." Si Samuel.

Kahit naman nagkakaganyan sila, nakakakita naman ako ng improvement. Sana... sana mas pag-igihan nila.

Pumatak ang alas dose ng tanghali nang magbreak muna kaming lahat sa pagaaral. Importante yo'n dahil ayaw naman naming maumay sa kakaral ang mga freshmen. Isa pa, medyo sumasakit na rin ang ulo ko.

Tinulungan kong maghanda si Marie ng pagkain sa salas. May dalawang malaking tray ng Kare-kare doon at kanin. Matapos naming magpasalamat, kumain na kami. Masarap palang magluto si Marie. Mahilig ako sa Kare-kare kaya masasabi kong masarap ang luto niya.

"Ate Marie, sarap mo pala magluto!" Sabi ni Kit.

"P'ede ka na magasawa!" Si Glai.

"Dadalawa lang kami ng kambal ko dito kaya sanay kami parehas magluto at gumawa ng gawaing bahay." Sabi ni Marie. "At saka 'di porke sanay na magluto, magaasawa na no! 'Yoko pa!" Sabi nito.

"Nagkaboyfriend ka na ba, ate Marie?" Tanog ni Arci.

"Hindi pa." Ngumunguyang sabi ni Marie.

"Gusto mo.. ligawan kita?" Pabirong sabi ni Samuel.

"Tangina mo ang ayusin mo muna limang bagsak mo depungol ka." Sabi ni Marie.

"Ano ba 'yan? Kumakain tayo eh." Saway ni Tyrone sa mura ni Marie.

"Sarap kasing kutusan ni Samuel e." Reklamo ni Marie.

"Bakit 'di ka pa nagkakaboyfriend?" Tanong ni Arci.

"Simula elementary ako hanggang high school, puro basketball nasa isip ko kaya hindi ko natripan na humanap ng boyfriend. Isa pa, nuong nasa US ako, puro hambog lang din lumiligaw sa'kin. Daming hambog sa US kaya." Ani nito.

"Talaga?" Tanong ko.

"Oo, puwo mga nashabashketbaww wang din wumiwigaw shaken." Ngumunguya siya habang nagsasalita.

"Ate Marie, lunukin mo nga muna 'yan." Sabi ni Ruru.

Lumunok si Marie sabay inom ng tubig at nagsalita uli. "Mayayabang ang mga male varsity player sa high school ko sa US tapos ang titigas ng baga nila para umaligid sa aming mga babae. Mga bastos." Sabi nito at kumain uli.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon