Chapter Sixty Five

140 10 4
                                    

[Marie]

Napaatras ako ng konti nang makasalubong ko siya.

Oh noes, ang lakas ng tibok ng puso ko. His looks didn't change at all. 

"Uy," nakangiti niyang sabi.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Pupuntahan kita. Aayain sana kitang magmiryenda," he answered casually.

"Haha. P...pupuntahan nga sana kita eh," I took a lot of courage to say that and I did. Pero nahihiya ako.

His face turned mildly shocked and napakurap siya ng ilang beses then he smiled. "Buti na lang at nagkasalubong tayo para hindi mo na ako hanapin."

"Yeah. Haha," medyo kinakabahan kong sagot. "Mamaya pang 12 klase namin, kayo ba?"

"May klase kasi kami dapat ngayon pero wala 'yung prof namin kaya libre ako hanggang alas dos," nakangiti niyang sagot.

Sana 'di rin magklase next class namin para kasama ko siya ng buong oras na 'yon!

"Natanggap mo na ba message ko? May meeting tayo by 5pm," siya uli.

"Yup. Uhm, by the way... kain tayo?" Aya ko.

"Tara. Saan mo gusto?" Sabi niya at saka naglakad kasama ako.

"Magtry kaya tayo sa bagong bukas na waffle shop sa labas?" I asked.

"Sige."

And then, magkasama kaming naglakad papalabas ng building.

Okay, Marie. You can do this.

Habang naglalakad kami, huminga ako ng malalim and reached for his hand and held it. I saw him looked at me, mildly surprised when I did that. But in just a moment, he smiled and held my hand as well.

What is this feeling? It's so tingly. Ang init ng palad niya. Sana hindi magpawis ang kamay ko. Holy cow.

Ang daming nakatingin sa amin habang naglalakad kami sa school grounds. Pota. Is everything okay?

"Ayos ah? May paHHWW pa kayo."

Nagulantang kami nang biglang sumulpot si Tyrone sa likuran namin at napabitaw kami sa isa't isa.

"Uy, Ty," si Kenji.

"Kaya pala kay bilis mong sumibat matapos magdismiss ni Ma'am Rocel, kay Marie ka pumunta," si Ty.

Namula ako.

Nangiti si Kenji at natawa.

"Ano nga pala yung HHWW?" Tanong ni Kenji.

"Holding hands while walking," si Ty.

May acronym pala for that?

Natawa si Kenji, "grabe."

"Sige na, lumarga kayo kung saan kayo pupunta. Basta magkita-kita tayo mamaya meeting para mapagusapan gagawin natin sa team. Need magrecruit ng bagong players," si Ty.

"Sige."

Matapos noon, naglakad uli kami ni Kenji papunta sa waffle shop. This time, bigla syang humawak sa kamay ko. 

Para akong kinuryente, pero humigpit din ang hawak ko sa kamay ny'a habang naglalakad kami. 

Kinikilig ako.

Pag dating namin sa waffle shop, pinaupo niya ako.

"Ano order mo? Ako na bibili,"ani niya.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon