Chapter Thirty Two

183 13 1
                                    

[Ruru]

Nakahiga kaming tatlo sa kama na hinanda namin sa sala habang nagkkwentuhan pa rin sila ate Rinne at ate Adi. Ako naman, nagta-Tamagotchi lang din habang nilalaro si Pangkoy na nakahiga sa dibdib ko.

Nagulat kami nang biglang bumukas ang pintuan ni ate Marie at nadoon siya. Halata sa mukha niyang gulong-gulo na ang pagkatao niya.

"Adiiii!" Sabi nito at saka umakap kay ate Adi.

"What's wrong?" 

"'Di ko na alam ang nararamdaman ko! I am getting crazy!"

"Ito unang beses na nakita kitang ganyan, ate Marie!" Sabi ng ate ko.

"I told you naman, hon, you are having a romantic feelings!" Si ate Adi.

"Hindi nga eh!" Denial pa si ate Marie.


Ewan ko kung familiar kayong lahat sa Five Stages of Grief sa psychology, pero ako alam ko. Maihahalintulad ko ang five stages of grief sa pinagdadaanan ni ate Marie ngayon, pero grief of realizing she is in love naman sa kaniya.


Stage 1, denial.

"Hindi ko nga sabi siya gusto eh!" Si Ate Marie

"Alam ko naman si Kenji tinutukoy mo!"  Nakangiting sabi ni ate Adi.

Natigilan si ate Marie at namula siya. 

"Hindi nga eh! Imposible!"

"Sis, tama na ang denial!"

"Teka, ano bang nangyayare?" Singit ng ate ko.

Don't mind me, nanonood lang ako sa kanila habang nagnanarrate.


Stage 2, anger.


"Bakit ba pinagpipilitan mong gusto ko si Kenji?!"

"Sis, kahit hindi mo sabihin, alam ko naman na eh. We are twins and we are connected. Lahat ng kakaibang feeling na nararamdaman mo,and you spacing out a lot when you think of him is a sign of you liking him romantically," paliwanag ni ate Adi.

Ate Marie is turning apple red.

"Nakakainis na ah! Porket ba tama lahat ng sinabi mo, iyun na 'yun! Bakit ko naman magugustuhan iyong si Kenji?! Aaaah! Nakakabwiset talaga in all fucking honesty!" Iritang sabi ni ate Marie.

"Ate, calm down. Inhale, exhale," sabi ng ate ko. "Pakiramdam ko, need mong intindihin ng maayos kahat ng sinasabi ni ate Adi."

Napalunok si ate Marie, "pero... pero..." napanguso siya na parang baby. "Hindi talaga pwedeng magustuhan ko si Kenji eh!"

 "Hindi talaga pwedeng magustuhan ko si Kenji eh!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon