[Kenji]
'Wag ngayon.
Nang lumingon ako, agad siyang nagpunta sa akin. Medyo gumaan loob ko kasi walang tao sa likuran ng gym, pero 'di rin ako sigurado paano ko papaalisin si Gab. Napapagod na ako sa mga ganitong sitwasyon sa kanya.
"HOW DARE YOU LET YOUR BASKETBALL FRIENDS BAN ME INSIDE THE GYM! MAY LARO PALA KAYO KAHAPON AND I, YOUR GIRLFRIEND, CANNOT BE THERE TO SUPPORT YOU!" Galit na sabi nito.
So talagang gumawa ng letter sila Tyrone para hindi na siya makapasok sa gym? Kaya pala hindi na siya pumupunta doon. 'Di ko naman sila masisisi, ayaw ko ding duon mageskandalo si Gab kung nasaan si Marie.
"Wala akong alam tungkol doon at Gab, alam kong alam mong matagal na tayong tapos." Paliwanag ko.
"No! Ilang beses na to?! Sinaktan mo na naman ako! What did I ever did to you that you hurt me this much?!" Ani pa nito.
Sigh. Eto na naman tayo.
"Gab, wala ng tayo, okay? Last semester pa ako nakipagbreak sa'yo."
"I told you I didn't consider that!"
"Gab, matagal na akong nakaraos sa parte na yo'n, dahil maayos ko namang pinaliwanag sa'yo ang lahat, 'di ba?"
"But you told me that you loved me!"
"Hindi ako ready sa relasyon, Gab. Akala ko ready ako dahil iyon ang unang beses na nagkagusto ako sa babae ng seryoso, pero ang dami ko pala dapat gawin at hindi kaya ng schedule ko. Hindi ko inaasahan kaya nakipaghiwalay ako. Pakiusap naman, intindihin mo ako."
"Mahal mo pa ba ako, Kenji?!"
"I am sorry, hindi na." Nagpapakatotoo lang ako.
Akala ko maiintindihan niya iyon, pero hindi pala. Napasinghap siya at nanlaki ang mga mata. Tapos no'n, pinaghahampas at pinagsusuntok niya ako sa braso at sa dibdib.
"How dare you!! How dare you, Kenji! Ang sama mo!" Sabi nito habang nananakit pa rin.
'Di ako magsisinungaling, mahaba ang kuko niya at nakasando ako kaya nagkakakalmot ang braso ko. Masakit din mga suntok niya. Hinawakan ko ang pulso ng dalawang kamay niya. Napapagod na ako.
"Gab, ano ba?"
"Don't hurt me!"
"Ikaw nga nananakit eh."
"I hate you!" Sigaw nito.
"HOY! PANGET!" Parehas kaming natigilan nang may narinig kaming boses na nakamegaphone, si Marie! Medyo malayo pa ito sa amin pero narinig namin siya kasi nga nakamegaphone siya.
Binitiwan ko ang braso ni Gab.
"It's that blonde bitch again!" Sabi nito."Hoy! Hoy!" Ani ni Marie at dali daling naglakad papunta sa amin at pumagitna sa aming dalawa. "Ang dumi-dumi ng kamay mo tapos paghahampasin mo captain namin? Lumayas ka!" Sabi nito habang nakaharang sa kanya.
"Excuse me, boyfriend ko 'yan at wala kang pakialam."
BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...