Chapter Thirty Three

172 13 5
                                    


[Tyrone]

"Huh? Bakit di ka na mageenroll next sem?" Tanong ko.

Nakapamot siya ng ulo.

"Nabuntis ko girlfriend ko. Nabuntis ko si Monica," pagamin niya.

Napanganga kaming lahat.

Sa mga hindi nagbasa ng extra chapter, si Monica ay ang long time girlfriend ni Shane. Kilala namin siya dahil madalas din siya sa laban namin.

"Three pointer talaga eh," sabi ni Kian.

"Angas ni Shane, sharp shooter," si Glai.

"Bangis neto talaga eh," si Red.

"Papakasal na kayo?" Si Harold.

"Papakasalan ko si Monica pagkatapos ng laban natin sa Cyan Wolves. Invited kayo ah! Tapos noon kasi, tatanggapin ko na yung trabaho na inoffer ng pinsan ko sa Korea," sabi ni Shane.

Nanlaki ang mga mata ko. Nice.

"Naks! Oppa!" Tukso ng mga seniors at mga first years.

"Masaya ako para sa'yo, Shane," nakangiting sabi ni Captain.

"Salamat, Captain. Kung makakapasok tayo ng Regionals, hanggang Regionals na lang ako tapos reretiro na," sagot ni Shane.

"Pa'no ba yan? May isa pa tayong rason para mas galingan natin bukas," sabi ko.

Naghigh five kami ni Shane.

"Galingan n'yo oy! Tangina, gusto ko memorable yung huling laro ko sa college!" Pabiro pang sabi ni Shane.

"Gamitin mo 'to para mas powerful!" Sabi ni Marie sabay hagis kay Shane ng megaphone niya.

"NAKABUNTIS AKO KAYA MAGRERETIRO AKO NEXT SEM! GALINGAN NATING LAHAT, ABA!!" Malakas na sabi ni Shane.

Nagtawanan kaming lahat. Proud pa kasi si gago eh.



Alas sais pa lang at naguwian na kaming lahat, dahil nga maaga pa ang match namin bukas. Hindi kami sabay ni Kenji ngayon dahil magpaprint pa daw muna siya para sa isang school activity namin, kaya umuwi na akong magisa. 

Bukas na... bukas na ang laban namin sa Cyan Wolves at dito malalaman kung makakasama ba kami sa Regionals o hindi. Alam kong binibigay ko ang lahat ng makakaya ko, pero hindi ko maiwasang kabahan. 

"Tyrone."

May sobrang lakas na rookie ang Cyan Wolves at base sa mga nakita naming videos ng match nila, hindi siya biro. Matangkad siya, mabilis, mautak at matalino. Hindi siya dapat maliitin.

"Tyrone!"

"Ahh!" Nagulat ako nang marealize kong may tumatawag sa pangalan ko. 

Nang mapalingon ako, napalunok ako agad ng laway. 

Ma'am Montes, parang awa mo na... 'wag ngayon.

"Hindi ako nakarating ng practice kanina, may meeting kasi kaming houseleaders, sorry!" Sabi niya habang tumatakbo sa harap ko.

"O-Okay lang po... ma'am," natotorpe kong sagot.

"Maganda ang kutob ko sa laban na ito. Alam kong mananalo tayo bukas," nakangiti niyang sabi.

Tangina. Napakaganda.

"Gagawin po namin lahat, ma'am. Medyo kinakabahan lang po ako kasi huling chance na po namin ito."

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon