----
[Marie]
"Wala talaga kaming laban sa'yo, Captain!" Angal ni Arci at saka umupo sa sahig ng court na parang bata at hingal na hingal.
"Tatlo na nagbabantay, wala pa rin. Nakalusot pa rin," kumakamot ng ulo si Shane.
"Sa pinapakita mong iyan ay wala ka nang balak magpatalo eh," maasim ang mukha ni Kian na nakatingin kay Kenji.
Nagpahid si Kenji ng pawis gamit ang kwelyo ng sando niya, "hindi tayo magppractice ng matagal bukas kaya binibigay ko na lahat ng nalalaman ko ngayon," sagot niya.
"Kahit yata kaming lima magbantay sa'yo, makakalusot ka pa rin eh," nagkakamot ng ulo si Samuel.
"Sige, good idea 'yan. Subukan natin," nakangiting sabi ni Kenji.
"SERYOSO?!" Angil nila Shane, Arci, Kian, Samuel at Nicko.
Talagang napakaseryoso ni Kenji para sa susunod na laban. Ginagawa niya lahat sa practice para manalo sa laban namin sa Golden Salamanders.
Dahil din sa will power na iyan, nakakaya ko ring magfocus muna kahit papaano sa mga practice namin. Kung ano man yung ka-sabawang nangyayare sa akin, nagagawa ko munang ipang isang tabi.
Napaka intense ng practice na ito. Nasubukan nila ang tindi nilang lahat sa depensa nang sinubukan nilang pigilan si Kenji sa pag-gawa ng puntos. Ang totoo niyan, napigilan lang nila si Kenji ng apat sa pinakamatatangkad naming players; sila Nicko, Jam, Samuel at Tyrone, ang nagbantay sa kaniya, pero napakahusay pa rin ni Kenji sa lahat ng pagkakataon.
Alam kong ibibigay niya ang lahat.
"Good work mga bata!" Sigaw ko sa megaphone nang matapos ang practice session namin.
"Galing niyo, guys!" Sabi naman ni Cara.
Also, I am glad that Cara is getting better after we talked to her.
"Bukas, 1 oras lang ang practice natin kaya walang malalate, ha?" Sabi ni Kenji sa lahat.
"Opo!" Sigaw nila.
I can see that they are all getting ready. That's good.
"Marie," nakita kong lumapit sa akin si Kenji.
"Yeah?"
"May pabor ako sayo," seryoso ang mukha nito.
"W-What is it?"
"Kasama ako sa starting five sa laban sa Sabado, kaya walang magcocoach sa atin. Ang plano ko sana, ako pa rin ang magcocoach pero aasa ako sa records mo."
"Ito ang unang beses na makakasama ka sa starting five," sabi ko.
"Hindi sila birong kalaro, Marie."
"Naiintidihan ko. Ako ang bahala pagdating sa records. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para bigyan kita ng bench perspective," sabi ko.
Ngumiti siya, "salamat."
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Depota!
Okay, Maria Clara, inhale, exhale.
"N-No problem," I tried avoiding his face.
"Cara!" Napatingin kaming dalawa ni Kenji kay Jam na tinawag si Cara.
Okay, time to eavesdrop.
BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...