Chapter Seventy Nine

226 11 5
                                        


[Marie]

Teenager years is that phase na nagiging exaggerated ang emotions ng isang tao. This is why dito sila madalas magrebelde, gumawa ng kalokohan at kung ano-ano pa.

And at some point, hinahabaan ko pasensya ko sa twat na 'to dahil teenager pa siya. She is just 18.

PERO KAPUTA, NANGGAGALAITI NA AKO!

Tinitigan ko siya ng masama. Napupuno na talaga ako.

"Marie-" ani ni Kenji.

"This bitch needs some spankin'," inis kong sabi.

----

[Tyrone]

Daig pa ang hangover ng isang magdamagang walwalan ang sakit ng ulo ko matapos naming magdefense. Iyon na yata ang pinaka masakit sa ulo na 1 oras at kalahati ng buong buhay ko. It paid off naman though. Minor revisions lang kami at kayang kaya nang magpabookbind sa susunod na linggo.

Sa wakas.

Pero hindi pa ako nakakahinga ng maluwag eh nakita ko na agad ang komosyon sa hallway. Natanaw ko si Marie at Kenji at nasa harap nila 'yung anak ni coach na ubod ng harot.

Sa mga mata ni Biskwit na 'yan, alam ko na ang nangyayare.

Lumapit ako kaagad.


"Kenji! Kayo na sunod!" Ani ko.

Lumingon sila sa akin.

"Kami na? Nako-" medyo nagpapanic si Kenji, pero tingningnan ko siya ng mata sa mata. Alam na niya iyon. Ako na bahala rito.

"Alis na ako," ani ni Kenji.

"Do your best," si Marie.

"Oo," nagmamadaling sagot ni Kenji sabay nakaw ng halik sa pisngi ni Marie at tumakbo papunta sa loob ng room.

Nagulat si Marie at si Xena sa mga ganap. Si Marie, siyempre, napayuko sa kilig. Habang si Xena naman, namumula sa... inis.

"SEE! THIS IS WHY YOU ARE A SLUT!" Duro nito kay Marie.

"Teka, teka," binaba ko kamay ni Xena. "'Di ba ay dapat nandoon ka sa gym?" Ani ko.

"Eh ano bang pakelam mo?"

"Isusumbong kita sa Daddy mo," sabi ko.

Halatang namutla siya bigla.

"Alam mo pakielamero ka!" Sigaw niya sa akin.

"Hey, spoiled twat," inis na tawag ni Marie.

"Be careful of what you call me!"

"Like a give a shit. Can you fuck off?" Si Marie.

"How dare y--"

"Yeah, how dare me. Kung ako sa'yo, babalik na akong gym dahil baka sa susunod na pagkakataon ay baka 'di ka na isama ng daddy mo rito," maangas na pahayag ni Marie.

Sa hitsura ni Xena na iyon, parang sasabog ba siya sa inis, pero wala siyang nagawa. Tumalikod siya mula sa amin at padabog na naglakad papaalis.

"Tibay rin ng isang iyon, 'no?" Ani ko kay Marie.

Pumamewang siya, "apparently, si Kenji na naman ang maaaragabyado dito. Hay. I hope she gets lost for real. I really have no patience dealing with stupid teens."

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon