Chapter Forty Eight

162 14 1
                                        

[Marie]

"'Wag nga sinabi kayong magtawanan eh!" Banas kong sabi sa team.

"ANO BANG PUMASOK SA UTAK MO, ATE MARIE! PAGEANT YUN! 'DI PWEDE MGA ANGKAN NI HUDAS DO'N!" Tapos tumawa si Arci.

"Kung sa boxing, 'di ako magugulat, kaso sa pageant eh! Hahahaha pota!" Tawa ni Kian.

"Ano motto mo? THIS IS SPURTAAAA!" Si Jolo.

"Oy, haha. 'Wag n'yo na siyang inisin!" Nagpipigil ng tawa si Tyrone.

"Alam n'yo, putangina nyong lahat!" Bwisit kong sabi.

"Hindi kasi namin inaaahan eh!" Si Red.

Nasa school kami ngayon at katatapos lang magenroll for the second semester. One thing I really like about this university is sobrang dami nilang staff tapos mabilis ang processing ng papers nila. We finished kaagad. We are just waiting for Kenji pa na nagbabayad pa sa cashier.

And yeah. Kanina pa nila ako inaalaska dahil nga sumali ako ng pageant.

"Malaking incentive kaya iyong exemption sa prelim examinations! Isa pa, hindi naman na busy ang team pagdating ng second semester. Puro thesis ang aasikasuhin n'yong mga seniors eh," sabi ko.

"Oo, thesis mode muna kami," sabi ni Kenji na naglalakad papunta sa amin. Tapos na siyang magbayad.

Nang sumama na siya ulit sa grupo namin, napansin agad namin na nagtitinginan at nagbubulungan agad majority ng mga students na nasa paligid namin. It's this fucking thing again. Ever since nga na nilabas ni Ga-bitch iyong video na iyon, hindi na nagkaroon ng katahimikan ang buhay ni Kenji. Pati buong team, damay.

"Nagugutom ako. Daan tayo sa canteen," aya ni Samuel.

Sama-sama kaming umorder ng simpleng burger sa canteen. Okay naman ang lahat... until Kenji went to tell his order. Hindi siya pinakikinggan ng canteen staff.

"Uh, excuse me," sabi pa ulit ni Kenji sa magalang na tono.

Pero hindi pa rin siya pinapansin ng tindera.

Nakita kong napayuko siya at namutla. Umalis siya ng counter ng canteen na malata.

Agad ko siyang hinila papalapit sa akin tapos binigay ko sa kaniya yung burger ko na hindi ko pa nagagalaw. Ako naman 'tong pumunta sa counter ng canteen at nilapag ko yung bente pesos ko ng sobrang lakas.

Nagulat silang lahat.

"Isang burger nga," bwisit kong sabi.

Halatang naiinis sa akin yung babaeng tindera pero tiningnan ko siya ng mata sa mata at wala siyang nagawa kung 'di bigyan ako ng isa pang burger.

"Salamat," malamig kong sabi at saka naglakad papunta sa table namin.

"Baka pwede ka pa magbackout sa pageant, Marieng biskwit. Pang rambulan ka talaga kasi," si Red.

"Katakot," si Arci.

"On a serious note, sumosobra na ang pangmamaltrato kay Captain. Pati ba naman sa canteen, ginagago pa rin?" Si Kian.

"Sinabi ko naman sa kaniya na gumawa na ng paraan eh, kaso ayaw niya," si Tyrone.

"Hindi ko kasi alam kung paano ang gagawin ko. Bawat salita ko kasi, alam kong babaguhin niya tapos palalalain ang sitwasyon," sabi ni Kenji.

Iyon din ang sinabi ni Cara. I've always known Cara and Kenji to be very intuitive kaya malaki ang punto nila. Tingin ko nga, dapat masusi ang pag gawa namin ng solusyon dito.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon