Chapter Nineteen

217 16 3
                                    

[Tyrone]

"P're, seryoso ka ba sa desisyon mo?" Sabi ko kay Kenji.

Kilala ko si Kenji at hindi basta basta naghahamon ng 1on1 sa basketball.

"Oo," tipid niyang sagot habang nagwawarm up.

"Hindi mo ugaling pumatol sa mga abnormal, Kenji," sabi ko.

"Pagbibigyan ko na. Nakabasketball shoes siya nang pumunta siya rito kaya sigurado akong gusto niya tayong subukan. Nakakahiya naman sa kanya," seryosong sabi nito.

Wala rin akong nagawa kaya naglakad na lang ako papuntang bench kung nasaan ang lahat. Tiningnan ko si Marie at halatang concerned siya sa mga nangyayare.

Marieng biskwit, kung alam mo lang... ikaw dahilan ng 'yan.

"Who gets the ball first?" Tanong nuong kano matapos niyang mag warm-up.

"Coin flip," sabi ni Kenji tapos kumuha siya ng sentimo sa bulsa niya. "You choose whatever side you want. I'll choose the other."

"Sure, Mr. Playing Coach. Tails," nakangiti yung kano pero yung mayabang na ngiti.

Binato ni Kenji yung coin at Heads ang lumabas. Kay Kenji ang bola.

Hinagis ko kay Kenji ang bola. Pagkasalo niya ng bola, duon ko nakita ang expression niya sa 1on1. Nanlilisik ang mga mata niya at nagaapoy siya sa concentration. Alam ninyo naman na 'pag nakakapaglaro si Kenji, nakangiti siya dahil nageenjoy siya. Pero dito? Kung nakakapatay lang ang tingin, tigok na 'tong lalake na 'to.

Sobrang tangkad ng kano na yon. Mas matangkad pa siya sa akin at nagmumukang bata si Kenji kung ikukumpara sa kaniya, dahil 5'10 lang si Kenji at tancha ko nga, nasa 6'4 or 6'5 'tong kano na 'to. Kung tutuusin, alam kong kaya ni Kenji ang opensa, pero hindi ko sigurado paano gagawin niya sa depensa.

Nagdribble ng bola si Kenji at pota, parang may isang malaking pader sa harap niya sa sobrang laki ng kalaban niya.

Pero hindi nagbabago ang expression ni Kenji. Alam niya gagawin.

Halos lumuwa ang mga mata naming lahat sa mga sumunod na pangyayare. Pinalusot ni Kenji 'yung bola gitna ng kalaban. Ang ibig ko sabihin pinatalbog niya sa uwang ng mga hita nuong kano. Nagulat 'yung kano at 'di nakapagreact agad. 'Di ko siya masisi kasi kahit kami, hindi rin agad nakapagreact agad. Lumusot si Kenji sa ilalim ng wingspan ng kalaban sabay dakot ng bola at tira. Pumasok.

Sobrang bilis ng pangyayare. Sobrang ganda ng crossover na 'yon.

"Your turn," Sabi ni Kenji sabay bato sa kano nuong bola.

"You're not half bad," 'yung kano.

'Di na sumagot si Kenji. Naghanda na lang siya para sa depensa. 

Alam kong sasamantalahin nung kan 'yung mahigit 6 inches niyang tangkad kay Kenji kaya pagkastart pa lang, tinira na niya ang bola. Mataas tumalon ang kano na iyon kaya kahit sobrang bigay na ng talon ni Kenji, hindi niya inabot ang bola.

2 to 2 na ang score.

Kay Kenji na bola. Palagay ko, tatapusin na niya ang laban. Alam niya kasing pag 'yung kano pa ang nakahawak ng bola, mahihirapan siya sa depensa dahil sa height. Ang tanong lang, paano siya ulit lulusot?

Nagdribble na si Kenji ng bola at katulad ng inaasahan, sumugod agad yung kano. Alam niya kasing triple ang bilis ni Kenji sa kaniya kaya dapat 'di niya hayaang makaisip ng taktika si Kenji kaya sumugod na siya. Pero pinadaan ni Kenji sa likod niya ang bola at umikot. Gulat na gulat 'yung kano. Sinubukan niya pang habulin yung bola kung iddribble ni Kenji iyon sa kanang kamay niya, pero hindi... kaliwete si Kenji. 

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon