[Marie]
Panalo sa jumpball si Jam! Ayos!
Puro freshmen sinabak ng kalaban namin sa practice match, kaya puro freshmen din sinabak namin. Sabi sa akin ni Tyrone kanina, baka sinusubukan nila kung hanggang saan tatagal mga freshmen nila tapos pag natatalo na kami, ilalabas na rin nila seniors namin hanggang sa lumaban si Captain. Hahaha. Nek nek n'yo. Sobrang hirap ng training ng mga bata ko na 'yan. They had to endure the hard training I gave 'em. Hindi sila birong kalaro.
In fairness din dito sa mga bata ko though, ang dami nilang combination pinakita sa akin na hindi ko naman tinuro sa kanila. Sabi na, hindi sila pumepetiks talaga noong mga panahong wala ako.
"Ang laki ng improvement ng mga bata mo ano, Marie?" Sabi ni Tyrone.
"It's nice! Hindi sila pumepetiks!" Sabi ko.
Masaya kaming nanonood habang humahataw ang freshmen namin. Unang 8 minutes, 16-10 ang score at favor sa amin ang laro. Naririnig ko ngang sumisigaw sigaw na 'yung coach nila sa inis. Habang yung si Captain, sobrang focused manood.
Well, nasasanay na rin ako diyan kay Captain. Kapag nagcocoach siya, nagbabago ang ugali niya. Nagiging seryoso, tahimik at hindi mo makausap ng maayos. Pero once na magtapos na ang laban, bumabalik siya sa dating siya. I think he's just really that passionate. I admire that.
Natapos ang first quarter, 22-18 ang score. Favor sa amin.
Tumayo ako at nagbigay ng tubig sa kanila.
"Okay, team. Kailangan bantayan n'yo pa 'yung nasa labas. Dalawang beses may naka three point shot kaya dapat titingnan niyong mabuti ng bola kapag nasa labas na, okay? Sa ngayon, wala sa inyo pa kayang gumawa ng malinis na three point shot, doon tayo delikado. Nonetheless, disente naman mga long shot ni Glai at mga shot na galing sa loob mula sa inyo." Sabi ni Captain. Seryosong seryoso talaga siya.
"Okay, gets."
"Alisto dapat."
"Opo!"
"Pag nanalo kayo, may libreng pares kayo saking lahat!" Presinta ko.
"Gusto ko 'yan!" Tuwang tuwa na sabi ni Nicko.
Nginitian ko sila.
Nagsimula ang second quarter at mukhang nagising-gising na ng kaunti yung kabilang team kaya nakapagtie na sila ng score. Tiwala lang, alam kong 'di papatalo ang mga bata ko.
Pero potangina mga frens, sa kalagitnaan ng laban, nakita kong naglakad papunta sa bench namin yung bruhang manager ng kabilang team.
"Hi!" Bati nito.
----
[Tyrone]
"Hi!" Bati nuong manager ng kabilang team.
Parang alam ko na bakit nandito 'yan, mangugulo na naman! At talagang sinabay pa kung kelan nagcocoach si Kenji.
"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ni Marie. Nakohoooooo.
"Bakit? Masama?"
"Aba natural! May laban ang mga team natin oh, ta's nandito ka?" Sabi ni Marie.
"Well I just wanna say hi!"
"Nakapaghi ka na kaya du'n ka na!" Tapos binulas ni Marie yung babae.
"Well hindi sa'yo, okay?"
Sa mga ganitong pagkakataon, walang pakialam si Kenji sa mga nangyayare dahil nakafocus ang atensyon niya sa pagcocoach. Ni hindi niya nga nililingon yung dalawa eh.

BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...