Chapter Eighty Three

131 5 1
                                    


[Kenji]

Tinupad ko ang sinabi ko kay Marie; na hindi ako aalis sa tabi niya hangga't 'di kami nakakapagusap ng maayos. Kasama niya ako buong araw kahit saan siya magpunta, though, hindi niya ako kinakausap.

Nang matapos siya sa lahat ng gawain niya, lumabas na kaming dalawa para magusap. Sarado ang paresan ngayon kaya nasa park kaming dalawa tumambay.

"You better make your explanation clear," sabi niya. Halatang galit pa rin.

"Okay. Hear me out. I was about to buy a drink kahapon kaya 'di ko dala ang phone ko. Nu'ng malapit na ako sa canteen, bigla akong hinila ni Coach sa kotse niya. Sabi niya sa akin ay nagkulong si Xena sa kwarto at hindi lumalabas. Ako lang daw ang sinisigaw niya kaya desperado siyang lumapit sa akin."

Upon mentioning Xena's name, nagtwitch ang kilay ni Marie. She's very mad.

"Nakipagtawaran ako kay Coach pero nagmakaawa siya sa akin, kaya sumunod na ako. Nagdrive siya kasama ako papuntang bahay nila. 'Di ko nadala ang phone ko kaya hindi kita nasabihan. Nu'ng nandoon na ako, nakiusap ako kay Xena. Pinapasok niya ako ng kwarto niya pero nainis lang ako, dahil gusto niyang iwan kita at gawin siya ang girlfriend ko. Iyon lang nuong papaalis na ako na-lock kami sa loob ng kwarto niya. Sinubukan kong banggain 'yung pintuan para bumukas, pero wala eh. Kaya bumaba na lang kami gamit 'yung mga kumot niya. Kaya may galos ang mga kamay ko," paliwanag ko.

Nagpapalit-palit ang tingin ni Marie sa akin at sa kamay ko.

"Kaya siya nasa ospital ngayon ay dahil sigaw siya ng sigaw habang bumababa at nalaglag siya. Marie, promise, ikaw lang nasa isip ko noon. Alam kong mali ako na sumama pa ako kay Coach at dahil doon, hindi kita napuntahan. Pero Marie, hindi na talaga mauulit. Sorry. Sorry talaga," galing sa puso ang sinabi ko.

Yumuko siya. Nakakunot ang noo.

Kinakabahan ako.

"Naiintindihan ko, pero naiinis pa rin ako," aniya.

"Anong gusto mong gawin ko para mawala inis mo?" Tanong ko.

"Maybe it's just something na lilipas din. Naiintindihan ko naman na ang mga paliwanag mo. Tanggap ko naman iyon. You are forgiven, too. But I am just still pissed."

"Hindi ka na galit sa akin?"

"Hindi na, pero wala lang talaga ako sa mood. That fucking twat really pisses me off."

Bumuntong hininga ako. Salamat naman at bati na kami. Iyon lang talaga nakakapagpakaba sa akin eh.

"Hindi na ako sasama sa kahit anong pakiusap ni Coach, promise."

Tumango ito habang nakanguso at nakakunot ang noo. Gusto ko siyang yakapin pero wala pa siya sa mood eh. I respect that.

Kumain lang kami ng corndog matapos ng paliwanagan na iyon. Hindi na talaga siya galit sa akin dahil maayos naman ang pagkausap niya sa akin, pero halatang wala pa talaga siya sa mood. Pero okay lang. Kilala ko si Marie. Kailangan niya talaga ng oras para magpalamig.

Pero buti na lang talaga at bati na kami. Makakatulog na ako ng mahimbing.


---
[Marie]

"Oh, so that's why," ani ni Adi habang kumakain kami ng dinner. Tonight's dinner is Orange Tofu by me.

"That twat is really getting into my fucking nerves," irita kong sabi.

"Love, 'wag sa harap ng food ang cussing."

"Sorry."

"Well, baka sa Monday ay nandoon na naman iyong bagong ghorl na iyon sa practice n'yo. You better do something grand or else, she won't stop."

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon