Chapter Fifty Eight

131 8 0
                                        


[Tyrone]

"Ma'am! Ma'am!" Bulalas ko habang nakahawak sa pulsuhan ni Ma'am. Halatang tarantang taranta siya.

Tama ang kutob ko. Buti na lang at nagpagabi ako para abutan ko siya.

"Tyrone!" Nang makilala niya ako, napaiyak siya. Binitawan ko ang pulsuhan niya at umakap siya sa akin habang umiiyak. 

"Hinabol ka na naman ba?!" 

"Oo!"

Tapos, napatingin ako kung saan siya nanggaling. Madilim pa doon pero nakakakita ako ng anino ng isang tao na tumatayo mula sa pagkakaupo sa lupa.

"Hoy!" Sita ko sa kaniya.

Agad kong hinila sa likod ko si Ma'am, tapos ay susugod na sana duon sa lalake, kaso bigla akong nakaramdam ng hapdi sa mukha ko at biglang lumabo ang mata ko. Nasuntok na pala ako at tumilapon ang salamin ko.

Nakatingin siya sa akin pero hindi ko maaninag ang mukha niya sa dilim at sa labo ng mata ko.

Agad siyang tumakbo papaalis.

"Tyrone!" Narinig kong sigaw ni Ma'am.

Nahihilo-hilo pa akong tumayo at kinapa sa lupa ang salamin ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa takot.

Hindi talaga ako pwede sa basag ulo.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ma'am sa akin.

"Mabuti pa po, mag report na tayo sa mga guards," sabi ko at saka tumayo. "Hindi pa nakakalayo iyon."

"Pero... okay ka lang?" Tanong niya.

"Opo," mahina kong sabi.

Naiinis ako sa sarili ko. Sumugod-sugod pa ako, ako rin pala mabubugbog.

Nagreport agad kami sa mga guards dahilan para magsagawa ulit sila ng searching sa labas ng school para makasiguradong mahahanap nila 'yung kung sino man iyon. Pinayuhan na kaming umuwi. Sinigurado kong nakasakay na si Ma'am bago ako ulit umuwi. Nangangatog pa rin siya pero malaki ang pasasapamat niya na kasama niya ako. Malaki rin pasasalamat ko at kasama ko siya.







-----

[Cara]

"Ann," tawag ko.

"Cara... ano ba iyon?" Tanong niya. "Kanina ka pa sunod ng sunod sa akin eh!" 

"Are you... okay?" Tanong ko.

"Bakit mo ba ako tinatanong niyan? Ikaw dapat tinatanungan niyan kasi parang hindi ka mapakali."

"Ann, ilang araw kang umabsent. Ka-grupo kita sa isang project, 'di ba? Of course, magtatanong ako," sabi ko.

Yumuko siya.

"Ann... you aren't okay, right?"

Hindi siya makasagot.

Ever since na nakita ko si Ann na kasama si Sir Jerome noong araw na yon, hindi na maalis sa isip ko na baka may ginagawang masama si Sir sa kaniya.

I know that something bad is being asked from her in exchange of a passing grade.

"Cara..."

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon