[Marie]
"BAWAL ANG UUMAT UMAT! TAKBO!" Sabi ko sa mga freshmen na bumabagal nang tumakbo.
"Pagod na ako, ate Marie." Ani ni Glai. "Time freeze, hihinga lang ako."
Glaijon Santos, freshman sa kursong IT. Height is 180 cm, position is shooting guard. Para sa isang shooting guard, ang laki niyang pulpol. Isa siya sa pinakamakulit at pinakamahirap kausap sa mga freshmen.
"Nakakailang kilometer na ba kami?" Angal ni Arci..
Arci Bernardo. Course: IT din. Height is 174 cm. Position: Point Guard. Ugali: Tarantado. Si Arci yung lalakeng nanghamon sa aking noong nakaraang linggo, at masasabi ko na siya yung uri ng taong pag binigyan mo ng gagawin, uunahin pang magreklamo kaysa gawin.
"Nakaka six pa lang." Sagot ni Jam.
Jam Oliveros. Course: isa pang IT. Height: 185cm. Position: center. Si Jam ay isa sa dalawang mabilis kausap sa mga freshmen. Sumusunod naman siya sa mga sinasabi ko at nakikita kong nagsisikap namam siya ng sobra. Iyon lang, matangkad nga siya, pero mapayat siya kaya hindi ko alam kung nararapat ba talaga siya sa sentro. Pag nasa sentro ka kasi, dapat sing tigas ka ng bakal.
"4 kilometers pa," puna ni Nicko.
Nicko Tamayo. Course: BSHM. Height: 186 cm. Position: center. Si Nicko ay ang typical supladong wapakels na edgy boy sa liga Ng mga freshmen. Pero hanggang dun lang. Di naman siya mareklamo o ano. Madali siyang kausap pero moody din. Pagdating naman sa performance, masasabi kong mas malaki ang build niya kay Jam, pero si Jam ang mas mataas tumalon. Parang pantay din sila performance.
"Ano ba yan, ate Marie? Kelan mo ba kami paglalabanin kasama ng mga seniors?" Si Samuel.
Samuel Bagares. Course: BSTM. Height: 183 cm. Position: Power Forward. At maniwala kayo pag sinabi kong para siyang elementary kung umasta. Putangina napaka immature ng gago na 'to. Power forward siya pero napakasakim sa bola, hindi naman kaya gumawa ng jumpshot ng maayos.
"Pag nalumpo ka daw." Natatawang sabi ni Kit.
Kit Marcos. Course: BSBA. Height:181 cm. Position: Power forward. Si Kit na ang may pinakamababaw na kailagayahan na nakita ko sa buong buhay ko. Lahat tinatawanan ng gago na 'yan. Isip bata din, pero kahit papaano, mas matinong kausap kaysa sa iba. Pag dating naman sa paglalaro niya, mas magaling siyang power forward kaysa sa kay Samuel. Iniisip ko tuloy if pedeng si Samuel na lang small forward ko.
'Di ko alam paano nakalaro 'to sa team nila noong high school sila, pero amputa, kung sila ang papalit sa seniors namin ngayon, baka unang game palang, talo na kami.
"Importante ang pagtakbo. Alam kong alam ninyo yon." Sagot ko. "Pagkatapos n'yong magpahinga, foot work exercise naman tayo. Pansin kong ang tatangkad n'yo tapos 'di n'yo naman ginagamit mga hita nyo." Sabi ko.
"Eh kelan ba kasi kami makakalaro kasama ng mga seniors?" Samuel.
"Kapag kaya n'yo na maglaro as a team, pwede na." Sagot ko. "Pero sa ngayon, magbasics muna tayo para habang inuunti-unti natin ang playstyle ninyo, wala kayong nakakaligtaan sa basics." Sabi ko.
"Eh isang linggo na kaming ganito eh!" Angal ni Glai.
"Kase hindi niyo sineseryoso." Sabi ko. "Pag pinapatalon ko kayo, hindi ninyo binibigay ang best niyo. Nakakabwisit. Pero sige, kung gusto niyo ng mahabang dasalan, 'di ako aatras." Nagiinit na ulo ko.
"Noong nasa high school kame, 'di naman ganito ka hirap ang basics!" Reklamo ulit ni Samuel.
"Sinabi ko naman, ang mga makakalaban ninyo ay mga college na. Sa senior high, between grade 11 to 12 lang kalaban nniyo. Pero sa college, pede kayong may makalaban na fourth year na, mas matanda pa sa inyo at mas maraming experience." Paliwanag ko.

BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...