Chapter Thirteen

281 21 13
                                        

[Kenji]

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanila.

Pero nawala ang lahat ng yo'n nang makita kong lumapad ang ngiti ni Marie.

"PASADO LAHAT!" Sigaw nitong tuwang tuwa pa.

Nakatayo lang ako dito, hindi pa rin makagalaw.

Tumakbo si Marie habang nakataas ang dalawang kamay nya papunta sa akin. "Captain, pasado silang lahat!"

Salamat naman.

Tinaas ko din ang dalawang kamay ko tapos nag double highfive kaming dalawa na tuwang tuwa.


"NGAYON LANG AKO NAKAKUHA NG GANITO KAGANDANG GRADES SA BUHAY KO!" Sabi ni Samuel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"NGAYON LANG AKO NAKAKUHA NG GANITO KAGANDANG GRADES SA BUHAY KO!" Sabi ni Samuel.

"YOOOO PROVINCIALS NAAA!" Sabi ni Kit.

"PROVINCIAAAALS!" Sigaw ni Arci.

Nagdiwang kaming lahat dahil sa wakas, wala na kaming problema at makakaderetso na kami sa tournament. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Ang sarap kasi sa pakiramdam na nakikita mong nagbubunga lahat ng pinaghirapan mo.

Lalong nakakaganang magpractice.

"Okay, team. Next week na ang Provincial tournament, kaya walang magpapahuli, okay?" Sabi ko.

"Yes, Captain!"

"Laban!"

"Labaaan!!!"




--
[Marie]

Nakatanggap ako ng tawag mula sa adviser ng club namin na wala namang pakialam samin. Pwe. For legalization lang naman siya ng documents namin, pero majority ng trabaho, sa amin pa rin. Nakakainis tuloy puntahan.

"Yes po?" Tanong ko.

"Nandito na ang listahan ng kalaban n'yo sa Sabado." Sabi nito at saka nagabot sa akin ng nakabilot na poster. "Hindi ako sasama sa games n'yo ah?"

"Okay lang po. 'Di naman po namin inaasahan na sasama kayo." Sabi ko.

Naningkit mata niya sa akin. "Anong ibig mong sabihin?"

I made my signature smug face, "sir, alam kong hirap na hirap na po kayo sa trabaho niyo, kaya okay lang po sa amin na wala kayo. Malakas po ang basketball club at ipapanalo po namin mga laban." Nakangiting sabi ko.

"Aba dapat lang talaga," sabi nito.

"Don't worry, sir, kaya namin po ito." Nakangiti kong sabi pero deep inside, gusto ko na s'yang sungalngalin.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon