Chapter Twenty Two

242 16 2
                                        


[Tyrone]

"Sigurado kang ayos lang?" Nagaalalang sabi ni Ms. Montes sa akin.

"Opo," sagot ko.

Amputa, nasubo ako. Hindi ko talaga inaakalang mangyayare 'to ngayon.

Nandito kami ni Ma'am Montes sa supermarket at nagshoshopping na kaming dalawa lang! Putragya! 'Di ako handa! Tangina, nawala amats ko dahil dito. Pota. Sana 'di ako amoy alak pota. Nakakahiya!!

Ako nagtutulak ng cart ni Ma'am Montes dahil nagpresinta na ako. Hindi ko ba alam kung maaawa ba ako o ako mahihirapan sa kaniya, kasi para na siyang nagtutulak ny sasakyan sa dami ng laman ng cart niya. Sabi ni Ma'am, siya daw nakatokang maggrocery at wala ni isa sa mga kapatid niya gustong sumama dahil daw sa lakas ng ulan. Haaay. Dapat nagdala man lang siya ng kasama.

"Hmm, gusto mo, ilibre kita sa Starbucks? Nandiyan lang naman sa gilid 'yun," nakangiting alok nito.

San Pedro, 'wag mo muna akong kunin.

"Ah- Ma'am, baka po gabihin tayo," sabi ko.

Lumungkot ang mukha nito. "Okay. "

Depota ka, Tyrone!

"SIGE MA'AM! STARBUCKS NA PO."

Nagbalik ang ngiti sa mukha niya. "Yay!"

Tangina. Isa akong simp.

"Nakakahiya naman kasi na ikaw nagdadala ng mga gamit ko tapos 'di man lang kita bibigyan ng kahit ano," ani nito.

Ma'am... ikaw lang sapat n-- PUTANGINA. 

"Ayos lang naman po."

Ngumiti ito. "Ang bait bait mo talaga, Tyrone."

Tangina, sana 'di niya mapansin na nagwawala na ako sa loob ng utak ko.

Matapos naming magbayad, dumeretso kaming Starbucks na katabi lang ng supermarket. Buhat ko yung tatlong mabigat ma paperbag na may laman ng grocery ni Ma'am, samantalang buhat naman niya ng dalawang magaan. 'Yung isa doon, sa akin.

"Mainit na kape lang po sa akin," sabi ko.

"Sige!" Sabi nito at saka pumila sa counter.

Inom kape para ubos amats. Tangina, Tyrone. Bakit nangyayare sa'yo 'to?

'Di ko talaga masisisi si Kenji kung paminsan ay natataranta siya sa nararamdaman niya para kay Marie, kase ganuon din ako kay Ma'am Montes. Taragya 'yan.

"Eto naa!" Nakangiting sabi nito sabay lapag ng inumin namin at umupo.

Sana hindi halatang namumula ako. Damang dama ko 'yung init ng mukha ko eh.

"Ang sarap ng mainit na kape sa maulang panahon ano?"

"Opo."

[A/N: WAG GANYAN, TYRONE! SABIHIN MO, MAS MASARAP KA! AHAHAHA!!!]

"Namove match natin 'no? Mabuti na rin siguro dahil mas hahaba pa ang oras ng preparation ninyo. Alam mo ba? Sobrang astig ng ginawa mong alleyoop sa match n'yo nuong nakaraan! First time ko lang makapanuod ng match ng basketball at sobrang astig!" Tuwang-tuwang sabi ni Ma'am.


"Salamat po, Ma'am. Nagawa ko rin po iyon dahil sa pasa ni Kenji," nahihiyang sabi ko. Sinubukan ko pang 'wag mabulol.

"Maganda combination ninyo ni Mr. Fajardo, Tyrone. Alam kong malayo pa mararating ninyo," nakangiting sabi nito.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon