[Kenji]
Tumingin ako sa Messenger ko at wala pa ring chat si Marie. The last time na nakausap ko siya ay kahapon. Sinabi niya sa akin na nasira nga ang phone niya kaya laptop ang gamit niya sa pakikipagusap sa akin. Nasabi ko rin kahapon na laban namin ngayon, pero nakakapagtataka lang din na hindi pa siya sumasagot. Usually, mga 2 or 3am siya nagchachat at sumasagot.
Bakit kaya? I hope she is okay.
"Kenji, okay ka lang?" Tanong ni Tyrone sa akin.
Nasa locker room kami ng complex. Magsisimula na laban namin mamaya laban sa Red Hawks.
"Okay lang," sagot ko.
"Sigurado ka ah? Laban na natin at baka thesis pa rin nasa isip mo," si Ty.
Natawa ako ng kaunti. Ang totoo niyan ay baha na naman ang GC namin ng thesis. Ayaw ko muna magbasa dahil makakagulo sa akin ito ngayon.
Ilang minuto lang ay pinalabas na kami sa locker room at nagpunta ng court. Sinabihan ko si Arci na siya ang mag jot down uli ng mga moves ng kalaban kung sakaling sasama ako sa laban. Hindi kasi kaya ni Cara ang magjot down dahil hindi naman siya sobrang pamilyar sa laro. Makes sense kasi siya ang medic namin.
Nakita ko si Ruru na nakaupo sa media section. Lumapit ako sa kaniya.
"Ru, nakausap mo ate Marie mo?" Tanong ko.
"Ah, kuya. Kelan ba? Huli kong nakausap siya ay nuong isang araw."
Ah, hindi pala sila daily magusap.
"Hindi kasi siya nagpaparamdam eh. Medyo nagaaalala ako."
"Nasira cellphone niya, 'di ba?"
"Oo, pero pag ganitong 24 hours na siyang hindi nakakapagchat, nagaalala ako," sabi ko.
"Taong gubat 'yon, kuya. 'Di mapapahamak iyon," sabi niya at saka winawagayway ang kamay niya. Natawa tuloy ako.
Pero sana nga... ayos lang si Marie.
I was hoping kasi na makakakuha man lang din ako ng message pampagana dahil laban namin ngayon, pero naiintindihan ko naman. Iyon lang, I hope she's safe.
Napatingin ako sa bench namin at talagang nakakaramdam ako ng kirot pag hindi ko siya nakikita sa manager's seat.
-----
[Ruru]
Ate Marie isn't chatting? Hmm, hope she's fine.
Kung 'di ba naman kasi eng-eng na nagtatalon tapos may cellphone na dala e.
Napatingin ako uli kay kuya Kenji sa bench nila. Although he seems fine, halatang nagaalala siya ng sobra.
Wala naman akong balita kasi. Pero if something bad happens, magchachat si ate Adi. I think they're fine.
Anyway, huling trabaho ko na ito. Ayaw ko nang magrecord ng games dahil nauumay na ako.
Lumabas sa kabilang bench ang Red Hawks at naghiyawan agad ang mga tao. Talagang sobrang sumikat sila ngayon. And Ace is really their favorite.
Ilang minuto lang, nagstart ang laban. 'Yung usual first 5 ng Hawks ang nilaban nila, while sa Wyverns, as usual, nasa bench muna si kuya Kenji para magcoach.
Nakuha ng Hawks ang bola sa unang jumpball, pero tumawag ang referee ng jump ball violation dahilan para mapunta sa Wyverns ang bola. As weird as it may seem, halatang kinakabahan ang Hawks dahil co-champion last year ang Wyverns.
BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...