Chapter Forty Six

143 11 0
                                    

[A/N: HAPPY 2K READS! :D I SKETCHED MARIE AND KENJI THIS MORNING AS A PRESENT SA ATING LAHAT! CHRISTMAS THEME KASI CHRISTMAS YUNG CHAPTER NA TO EH <3 HEHEHEHEHEHEHEHE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[A/N: HAPPY 2K READS! :D I SKETCHED MARIE AND KENJI THIS MORNING AS A PRESENT SA ATING LAHAT! CHRISTMAS THEME KASI CHRISTMAS YUNG CHAPTER NA TO EH <3 HEHEHEHEHEHEHEHE. PATULOY AT PATULOY AKONG MAGUUPDATE HANGGANG MATAPOS <3 SEPTEMBER ANG TARGET DATE <3 SALAMAT SA INYO!]


[Kenji]

"You think this is... a date?" Tanong niya.

"Hindi ba?" Tanong ko.

"Okay lang ba?" Tanong niya.

"Oo naman. Anong masama doon?" Tanong ko. "Uhm, okay lang ba sa'yo?"

"S-siyempre!" 

Napangiti ako. "Ililibre kita ngayon para ako naman ang may regalo sayo."

Ngumuso siya, "ikaw ang bahala."

Might sound weird, but I am taking my step here. I do think Marie and I deserve this. Ayaw ko munang magpaawat sa mga iniisip ko ngayon. Basta, this is our day.

Pumasok kami ni Marie sa van matapos kong magpaalam sa mga tita at lola ko. Nagdrive siya papunta ng park. May parking lot naman doon kaya walang problema pagdating sa sasakyan na dala namin.

Ang ganda ng park ngayon. Nagkikinangan ang mga puno dahil sa mga Christmas lights na nakakabit doon. Lahat din ng stalls ng bazaar ay may mga lights ang mga parol na nakakabit. Kahit nga 'yung mga tusok-tusok na stalls, may mga umiilaw na parol din. Sa gitna ng park ay nakalagay ang 70-ft tall na umiilaw na Christmas tree. Maraming tao, pero hindi sobrang crowded. Ang ganda ng lugar.

"Whaaaa!" Nagniningning ang mga mata ni Marie kasabay ng mga ilaw sa paligid. "Ang ganda!"

Pero wala ng mas gaganda pa sa kaniya... kung alam niya lang.

"Ano gusto mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Hhmmm," nagiisip siya nang makakita kamo ng bubbles na lumilipad sa gilid namin. Ngumiti siya nang makita niya 'yung mga lumilipad na bubbles.

"Bubbles!" Parang bata niyang sabi.

Natawa ako, "sige, sabi mo eh."

Binili ko 'yung bubbles tapos tuwang tuwa siyang hinipan iyon at nagpakalat ng bubbles sa lugar. 

Natutunaw ang puso ko pag nakikita ko siyang ganiyan kasaya.

"You want to try?" Tanong niya tapos inalok ako ng handle ng bubbles niya.

Ngumiti ako at saka ko hinipan yung butas. Ilang saglit lang at ang daming bubbles na nagliparan.

"Ang damiii!" Tuwang tuwa niyang sabi.

Parang... parang lumulutang sa ere ang pakiramdam ko ngayon katulad ng mga bula na harap namin. Ganito ang pakiramdam ko dahil kay Marie.

Hindi ako nagsisising mahal ko ang babaeng kasama ko ngayon.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon