[Marie]
"Arci, peram laptop!" Sigaw ko.
"Kunin mo sa bag ko!" Sigaw ni Arci. 'Di maistorbo sa practice sa basketball eh.
Kinuha ko ang laptop niya tapos nang umupo ako, naglapitan si Ma'am Montes at Cara sa table ko.
Kaso, pagbukas ko ng browser niya, 'di pa pala niya nacclose yung pornong pinapanood niya. Napanganga ako at nagtinginan kaming tatlong mga babae.
"WALANG 'YA KA, ARCI! MANONOOD KA NA LANG NG BOLD, 'DI MO PA KINOCLOSE!!" Sigaw ko.
Natigilan ang buong team at nagtawanan silang lahat.
"Bogli," sabi ni Samuel.
"NAKALIMUTAN KONG I-CLOSE!" Si Arci.
"ANONG NAKITA MO, ATE MARIE?!" Tanog ni Kit.
"BAKIT KO SASABIHIN?! SIYA NA LANG TANUNGIN N'YO!" Namumula ko pa ring sabi.
MGA MOKONG TALAGA ITONG MGA 'TO!
I borrowed Arci's laptop because I am now going reserve a hotel for us to stay in sa nalalapit naming outing. We picked Subic sa Zambales dahil maganda doon and I've been there once. It's really peaceful there. Plus, hindi na namin need mag travel by air for a nice looking beach, right?
"This inn is good! Only 6k for 24 hours! Malapit din sa dagat," turo ni Cara.
"It is, kaso... 3 lang ang bedroom. Ang dami dami natin eh," sagot ko.
"'Yung iba kasi, nagrarange na agad sa 8k up. Need pa natin mag tabi ng extra for some expenses," si Ma'am.
"Kakasya tayo dito if may magdadala ng sarili nilang higaan," sabi ko.
"I doubt naman na may matutulog kasi nakakaramdam ako hindi sila matutulog at magiinuman lang sila eh," si Cara.
"May point," nangasim ang mukha ko. Ew. Alcohol.
"Tanungin natin sila?" Si Ma'am.
And so, we called all of them and asked if okay ba 'yung inn na nahanap namin. Actually, hindi siya hotel, pero isang bahay na halos.
"Tatlo ang bedrooms? So isa sa mga babae, isa sa seniors, isa sa freshmen?" Tanong ni Kenji.
"Pero pihado akong kakasya tayo. Ang dami natin oh?" Harold.
"Malaki naman 'yung salas. 'Yung iba, doon na lang. May mga sofa din naman. Magdala na lang ng higaan yung iba?" Red.
"May carpet kami," sabi ko.
"Okay, jackenpoy na lang kung sino ang sa kama," Ani ni Kenji.
And so, we decided to take the inn. We still have 9k to spare.
"Ako bahala sa ulam. Kami na ng kambal ko magluluto," alok ko. "Ano ba gusto n'yo?"
"'Yung kambal mo, hehe," si Kit.
Binatukan ko siya.
"Ikaw ang ilelechon ko, sige ka," inis kong sabi.
"Joke lang naman eh," si Kit.
"Mechadong baka?" Nakangiting tanong ni Jolo.
"Oks," I approved.
"Ako na rin bahala sa drinks at desserts!" Si Ma'am Montes. "Iced tea at saka cassava cake? Kami gagawa ng mga kapatid ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/270022562-288-k155957.jpg)
BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...