Chapter Thirty Nine

160 8 5
                                        


[Marie]

"Jjirirt, jjirit, jjirit, jjirit!" Pagka bukas ko ng player ng van ay eto sumalubong sa akin. Haaay. Si Adi kasi ang huling gumamit nito kay puro K-pop ang laman ng player.

Oh well, it's a good music though. Imma vibe with it.

What's this girl group called again? Two's ?? Welp.

Papunta ako ngayon sa bahay nila Cara to check on her. It's been three days since that nerve wrecking event and she still hasn't gone to school yet. I chatted her, told her that Kenji and I saw the confrontation and asked her if I could pay a visit since I was very worried of her. Pumayag naman siya. I told Kenji about this and he said that I could skip practice for today so I could meet Cara sa bahay nila.

And I am on my way now to her house.

If you're asking what Jam chose sa kondisyon ni Kenji, he chose.... *drum rolls* us. Yes, kami ang pinili niya. But we had to make sure na he would quit all the shit doon sa Vloggers' Club so we gave him a letter of discharge from the school officials and made all the officers and advisers ng Vloggers' Club to sign it. Kakabigay niya lang ng papeles kanina and we confirmed it sa adviser ng club na iyon. Jam is legally out of the club. Sa catfishing issue naman, nagdeactivate yung Gilbert account nila sa Facebook and other socmed platforms. So yeah, I think we are done.

But yow, kinailangan pa talagang humantong dito before he straightened up his decisions. I mean if he really loved Cara, magkukusa na siyang gawin ito sa una pa lang. Kinailangan pang magkalamat ng lahat sa kanila bago niya to gawin.

Don't be like Jam, guys. Have some fucking balls.

I arrived at this... well... classic looking house. Hmm, kung alam niyo 'yung Spanish style na bahay, ganoon ang hitsura ng bahay nila Cara. Kumatok ako and a middle aged man opened the door.

"Magandang hapon po," sabi ko.

"Ikaw ba 'yung kaibigan ni Cara?" Tanong nito.

"Opo," sabi ko.

"Tara, pasok," sabi nito at pinapasok ako sa bahay nila.

Makaluma talaga hanggang sa loob ng bahay nila. Majority ng mga gamit ay mga wooden antiques. May mga pictures din sa kahoy na pader, pero isang picture ang umagaw ng pansin ko.

We love you, Kuya Sherwin!-- iyan ang nakalagay sa isang malaking litrato kasama ang batang si Cara, tatay ni Cara, isang matandang babae at isang matangkad na lalake na nakabasketball uniform at may hawak na trophy. 

May isang picture din ng kuya ni Cara na ulap na ang background.

"Nagkukulong lang si Cara ngayon at lalabas lang kapag kakain, pero kakarampot lang din ang kinakain niya. Sana matulungan mo ang anak ko. Alam kong may problema siya, pero ayaw niya lang sabihin sa akin," ani ng tatay ni Cara.

"Gagawin ko po makakaya ko,"sabi ko at saka pumasok sa loob.

There inside is a neat looking room. Cara's room smells like lavenders. But I immediately pick up a cold and sad vibes in it. Naka higa si Cara sa kama niya and I don't think she has noticed me.

"Hey," sabi ko.

Napalingon siya kaagad. "Ate!"

Her long hair is very messy, her eyes are all dark and swollen. She doesn't smell bad naman, she still actually smells like Lavenders, pero it doesn't mean that she is in a good shape. 

I sat on her bed and she just hugged me.

"Sorry, hindi ako makapasok," sabi niya.

"Yourself first, Cara. 'Wag mong pwersahin sarili mo."

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon