Chapter Forty One

153 9 0
                                        


[Nicko]

"'Sup," sabi ko kay Jam na nahuli kong nagmumuni muni sa bench.

"Uy," sabi niya.

Mukha pa rin siyang gulong-gulo sa buhay niya.

Tumabi ako sa kaniya at saka tumingin sa langit. 

"Jam, nasa Regionals na tayo," panimula ko. "Dugo, pawis at sakit ng katawan ang inalay ng buong team natin para sa pagkakataong 'to, kaya kung maari lang sana... ayusin mo na ang buhay mo."

Tumingin siya sa akin.

"Mukha lang akong walang pakialam pero hindi ako manhid. Alam kong may problema kayo ni Cara kaya wala ka sa sarili mo nitong nakaraan."

"Ang totoo niyan... wala na kami."

"Gusto mo bang maglabas ng nararamdaman mo para gumaan man lang iniisip mo?" Ako na nagooffer ng pangunawa ko. 'Di ko 'to masyadong ginagawa, by the way.

"Sinugod kasi ni Cara sila Caedis nitong nakaraan. Ayun, inatake si Caedis ng panic attack kaya pinagsosorry ko si Cara sa kaniya, kaso ayaw ni Cara."

Kilala ko si Caedis dahil madalas niya akong tinatanong kung nasaan si Jam. Sinubukan din nila akong irecruit sa club nila pero ayaw ko sa mga taong maiingay kaya hindi ako pumatol. 

"Bakit sinugod ni Cara si Caedis?" Tanong ko. Wala sa hitsura ni Cara ang manugod dahil napakalamlam niyang babae.

Bumuntong hininga si Jam. "Akala niya kasi, niloloko ko siya."

"Ano nagbigay rason kay Cara para isipin niyang niloloko mo siya?"

Doon, napasapo ng dalawang kamay si Jam sa pagmumukha niya. 

"Kasi...ano eh..."

"Ano?"

Huminga siyang malalim.

Kapag ganito ang hitsura ng isang taong hinihingian mo ng rason, may ayaw silang sabihin sa iyo na disadvantage nila.

"Don't judge me, okay?"

"Ge," sabi ko, pero it's too late. Hinusgahan ko na siya, pero sa utak ko lang.


Oo, judgemental ako.

"I liked Caedis."

"Alam ko."

"Eh? Pa'no?"

"Halatain ka eh. Sunod ka ng sunod sa kaniya dati."

Bumuntong hininga siya.

"You see? Caedis asked me this favor na gamitin ako bilang male image niya sa art account niya sa socmeds niya para makakuha kami ng audience. Lalake kasi pakilala niya sa sarili niya, and I agreed."

Kumunot noo ko.

Tangina, ano daw?

"Tapos?"

"Kailangan kasi ng club namin ng funds para kilalanin sa kami campus. Sakto namang nagbibigay ng donations 'yung mga babae sa male account ni Caedis  dahil nga hinahangaan nila 'yung art ni Caedis."

"Bakit kailangan lalake pa ang image?"

"Ehh, lalaking homosexual kasi ang pakilala niya sa mga audience nagdodonate ng pera, kaya kailangan niya ng image ng lalake. Gustong-gusto kasi ng mga audience sa internet iyong mga lalakeng naglalantad eh. Nauuso kasi ngayon ang boys' love."

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon