Chapter 70

943 19 6
                                        

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ni Kairo ay agad akong napaupo sa sahig dahil sa panghihina.

Ang sakit, ang sakit sa part na sa tagal na naming magkaibigan bago pa man kami ikasal ay ni minsan hindi niya nasabi na may anak na siya. Kung hindi lang kami pumunta dito sa Italy hindi ko pa malalaman na ang lalaking mahal ko ay may anak na pala.

Bakit ganito? Ang sakit sa part ko bilang asawa at kaibigan niya. Nagmukha lang akong tanga kanina na nakatayo doon habang nakayakap sa kanya ang bata.

"Bakit nagawa mo 'to sa 'kin, Kai?" mahinang saad ko na kulang nalang ay ibulong ko dahil sa sobrang panghihina.

"Daddy!"

Napapikit ako nang rumihistro sa utak ko ang imahe ng bata kanina. Kasabay non ay ang sunod-sunod na pagtalo ng luha ko.

Ganito pala kapag grabe na ang sakit na nararamdaman mo. Gusto mong sumigaw pero ayaw lumabas ng boses mo na para bang may nakabara sa lalamunan mo. Puro hapdi at sikip lang sa dibdib ang mararamdaman mo.

Hindi ko 'to inaasahan, ito ba ang dahilan kung bakit ayaw niyang pumunta sa Italy? Akala ko, akala ko iniisip lang niya ang kapakanan ko, 'yun pala ay dahil takot siyang malaman ko ang totoo.

Ito ba ang sinasabi ng lolo niya na marami pa akong hindi alam? Ano pa ba ang hindi mo sinasabi sa 'kin, Kai?

Paulit-ulit kong pinunasan ang mga luha na tumutulo sa mata ko pero para itong gripo na ayaw tumigil.

Langya naman! Ito na ba 'yung kabayaran sa hindi ko pagsunod sa sinabi niya dati na huwag akong mahuhulog sa kanya.

Inuntog ko ng mahina ang ulo ko sa pintuan pero mas matibay pa rin ang sakit sa dibdib ko.

Maya-maya ay narinig ko na may mga yapak na papunta sa kwarto ko. Kahit hindi ko nakikita, alam ko kung kanino ang mga yapak na 'to.

"Wife.."

Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Kairo sa labas ng pinto. Mahina at kalmado ang boses niya pero ramdam ko ang pag-aalala.

Pag-aalala? Saan nanggaling 'yun haha, ni hindi nga niya magawang masabi sa akin na may anak siya.

"I know you're listening. I'm sorry, please talk to me. Let me explain," puno ng pakiusap at pagsusumamo ang boses niya pero tanging hikbi lang ang naging tugon ko.

"I'll wait for you. I know you need time to think, but that doesn't mean I'm leaving you. I'm sorry, baby. I know I hurt you, but please hear me out when you're ready," muling saad niya.

Ilang minutong katahimikan ang namayani bago ko narinig ang yapak niya paalis.

Huminga ako ng malalim bago pinilit na tumayo. Hindi ko alam pero gusto kong umalis at makahinga muna. 'Yung malayo sa mansion na 'to. Gusto kong mapag-isa muna ngayong gabi.

***

Third Person's POV

"Fuck it! Find her!" dumagundong ang galit na boses ni Kairo sa buong mansion at galit na tiningnan ang mga tauhan na nakatayo ng tuwid sa harap niya.

Si Drake naman ay nagmamadaling kinuha ang laptop niya para i-track si Justine.

Nang muling bumalik si Kairo sa kwarto nila ay hindi niya naabutan ang dalaga. Tanging cellphone at jacket lang ang dala nito.

"Shit! What if something bad happens to her. She's not familiar with this place, and La Famiglia Integrale eyes are on her," saad ni Kairo at napahilot sa sintido dahil sa sobrang pag-aalala

"What's happening here?" saad ng lolo niya nang madatnan ang apo na tila hindi mapakali

"You're all fucking useless. You let my wife go out without my permission. Stupido!" muling saad niya at hindi pinansin ang tanong ng lolo niya

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon