Chapter 71

1.5K 18 8
                                        

"Miss, saan kayo galing?" tanong ni Uno pagkapasok ko pa lang ng mansion.

"D'yan lang sa tabi. Bukas ko na lang kayo kakausapin, inaantok na ako," walang gana kong sagot ko sa kanya.

Naiinis man ako sa kanila dahil hindi nila sinabi sa akin na may anak na si Kairo, labas pa rin sila dapat sa galit ko. Na kay Kairo ang loyalty nila kaya alam kong sumusunod lang din sila sa utos ng boss.

"Sige, miss."

Hindi na ako sumagot at tumango na lamang. Alam kong sa itsura ko pa lang ngayon ay mukha na akong pagod. Mugto at namumula ang ilong at mata ko dahil sa kakaiyak.

Pumasok ako sa elevator at gaya ng inaasahan ay sumunod din si Kairo sa 'kin.

Tsk! Kahit sumunod pa siya sa 'kin hanggang banyo, wala siyang makukuhang matinong sagot sa akin.

Pagkatapos ng ginawa niya? Sa tingin niya ganoon na lang 'yun? Asa siya.

"Wife," tawag niya pero sakto namang bumukas ang elevator kaya lumabas na ako na hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.

Fine, ako na 'yung mataas ang pride, pero anong magagawa ko? Nasaktan ako at alam naman n'yang ang pinakaayaw ko sa lahat ay 'yung ginagago ko.

"Ayaw kong katabi kita matulog," malamig na saad ko pagpasok sa kwarto at hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.

"I won't leave you here. I'll sleep on the couch," sagot niya

Hindi na ako nag-abala pang sumagot at pumasok na lamang sa banyo para gawin ang mga routine ko bago matulog.

Habang nasa banyo ay napaisip ako sa mga nangyari. Ang bilis lang, parang sa isang iglap ay naputol kaagad ang masasayang araw namin ni Kairo.

Totoo ngang hindi palaging masaya ang relasyon no? May dadating talagang problema at balakid sa relasyon niyo. Hindi pwedeng puro tamis lang, dapat may alat din.

Sa totoo lang gusto kong pakinggan si Kairo at hayaan s'yang magpaliwanag, pero nauunahan ako ng takot. Natatakot akong mas lalo lang madadagdagan ang sakit na nararamdaman ko kapag narinig ko na ang paliwanag niya.

Ayaw ko, ayaw kong aminin sa sarili ko na baka isang salita lang niya ay bumigay ako dahil masyado ko na s'yang mahal para bitawan.

Dumagdag pa sa problema ko sa La Famiglia, one of these days ihaharap niya na ako sa council. Sa ayaw ko o sa gusto, kailangan ko s'yang kausapin dahil hindi pwedeng hindi ko alam ang mga plano niya para sa La Famiglia.

Hayss bukas ko nalang iyan iisipin, sa ngayon gusto ko munang ipahinga ang isipan at puso ko. Gusto ko munang matulog.

Tinapos ko na ang ginagawa ko sa banyo at dumiretso sa walk-in closet para magbihis. Kahit hindi ko tinatapunan ng tingin si Kairo ay ramdam ko ang pagsunod ng titig niya sa 'kin.

Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot para matulog na. Ilang minuto lang ay naramdaman ko na tumayo si Kairo at pinatay ang ilaw dito sa kwarto.

Nang marinig ko ang yabag niya na papalapit sa kama, akala ko tatabi siya sa 'kin pero narinig ko lang na ini on niya ang lump shade malapit sa kama ko.

"Good night, wife. I'm sorry for hurting and making you cry," mahinang saad niya bago ko narinig ang yabag niya na papalayo, pabalik sa couch kung saan siya matutulog.

***

Maaga pa lang ay gising na ako, siguro ay nag a-adjust din ang katawan ko sa oras dito sa Italy. Paggising ko kanina ay wala na si Kairo sa kwarto kaya naisipan ko na lang na bumaba.

Kahit naman galit ako sa kanya, ay siya pa rin ang hahanap-hanapin ko. Bumaba ako para hanapin siya pero tahimik pa ang buong mansion, wala pa ngang masyadong kasambahay akong nakikita.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon