Kabanata 5
The Team's Manager
Nang matapos lahat ng panghapong klase ko ay dumeretso na agad ako ng rooftop gaya ng sinabi sa akin ng kateammates ni Waju. Hindi na nga kami nagsabay umuwi ni Bees dahil dito. Kaya siguraduhin lang ng lalaking 'to na importante ang sasabihin niya kundi... Bubugbugin ko siya... ng yakap.
Hinihingal akong dumating sa tuktok dahil sa pagmamadali. Excited akong makita siya at ayaw ko ring paghintayin siya. Ang mga gwapong katulad ni Waju ay hindi dapat pinaghihintay. I secretly giggled at that thought.
Pagdating ko sa rooftop ay wala ni isang tao. Katahimikan ang tanging bumati sa aking pagdating. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid baka nag-comouflage lang ang lalaking iyon ngunit wala akong nakita. Wala ring nanggulat sa akin. Apat ang lampposts na nasa rooftop, kaya hindi siya madilim.
Naisip kong baka may practice pa siya kaya dumeretso ako ng railings at isinapaw ang dalawang braso doon, pinapanood ang langit na nagsisisimulang kumislap. I started counting them as they smile down at me.
"...nine, ten, eleven..."
Nagpatuloy ako sa pagbibilang. Nakalimampu't na ako ngunit wala paring Waju na sumulpot sa pintuan. Ngumuso ako at kiniskis ang aking magkabilang braso sa lamig. Unwelcome thoughts started to push its way into my mind. Paano nga kung trip trip lang ito ng mga kaibigan ni Waju? Na hindi niya naman talaga ako pinapapunta rito? Paano kung naghihintay lang ako para sa wala?
Gaga! Naghihintay ka para kay Waju! Kay Waju, Rose Belle! Hindi iyon para sa wala!
Binalik ko ulit ang pagbibilang ko. "Fifty eight, fifty nine, sixty..."
Nangangayat na ang aking tuhod sa kakatayo roon kaya binitiwan ko ang barandilya at nagpadausdos pababa upang umupo sa malamig na semento. Isinapaw ko ang aking nguso sa aking dalawang tuhod na yakap ko.
Good things come to those who wait.
Para siguro sa iba ay nakakainis ang maghintay. Ngunit nakadepende naman iyon sa kung ano o sino ang hinihintay mo, hindi ba? Para sa akin, may mas matagal pa dito ang hinintay ko. If it takes a lifetime of waiting just to see Waju's face, I am willing to buy time.
Thirty minutes had passed. Unti unti ng bumibigat ang aking dibdib ngunit hindi ko iyon pinansin. Kinagat ko ang labi at humugot ng malalim na hininga. Lumalalim na ang gabi. Nabibingi na ako sa katahimikan ng paligid. I can hear crickets everywhere. Pero hindi man lang ako natakot na baka may biglang lumutang sa harap ko. Mas natatakot ako sa ideyang baka nga pinaglaruan lang ako ng mga kaibigan ni Waju. Na baka hindi naman talaga siya dadating.
Gaga! Be positive lang! Darating siya!
Halos mapatayo ako sa gulat noong tumunog ang aking cellphone sa loob ng aking bag. I unzipped by bag and fished out my phone.
I sighed when I saw Bees' name on my phone. "H-Hello?" kinamot ko ang aking ilong sa pangangati. Pakiramdam ko babahing ako anytime!
"Bees! Nakauwi kana? Ano'ng sinabi ni Warren sa'yo?" she sounds very excited. Pinilit ko ang sariling ngumiti para lang hindi madisappoint ang sarili.
"Hmmm... bukas ko nalang sasabihin sa'yo, Bees..."
"Oh! You're asleep na? Okay, okay! Sorry for disturbing you! Good night!" she giggled before killing the line.
Saglit akong tumitig sa phone. I'm sorry, Bees. I just hate to admit it right now.
Maybe, I expected too much? Kasi, nagsisimula ng maging totoo lahat ng mga bagay na hanggang pangarap ko lang noon?
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomansaIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...