Kabanata 20

2.1K 47 2
                                    

Kabanata 20

Intimate Jealousy

Nung matapos ang klase namin sa hapon, nagpaalam muna ako kay bees na pupunta akong cr. Dediretsu na lang daw siya sa gym.

Pumasok na ako ng comfort room. Matapos kong sagutin ang tawag ni kalikasan ay pumunta muna ako sa harap ng salamin.

Grabe talaga, nahaggard ako sa kakaperfect match nila samin ni Waju. Gaya lang din ng una, ngingiti lang din siya, hindi siya kokontra o sasangayon sa pangaasar nila samin. Pati ang buong team, nakikiasar na din. Naku talaga, kapag nagconstant yun, ewan na lang.

Narinig kong may dalawang estudyanteng pumasok at dumeretso sa cubicle. At hindi sa tsismosa ako, talagang ang lakas ng talaga nilang magusap kaya rinig ko, mukhang hindi nila napansin na may tao dito.

"Alam mo girl, balita ko palaging nagsasama si Prince Warren at 'yung si Carley ba 'yun?"

"Yes girl! At nakita ko nga sila nung Friday na magkasama sa mall, nagdedate ata!"

"Hindi ka ba kontra girl?"

"Hmm, mukhang maganda naman 'yung Carley eh, at mabait pa! I guess bagay naman sila ni Prince Warren."

"And I believe, na maghihiwalay rin naman sila eh. Haha!"

"Pero girl, kilala natin kung paano magmahal si Prince Warren. Aha,"

Hindi ko na nakayanan kaya lumabas na ako ng CR.

Totoo ba yun? Totoo bang nagdedate na si Waju at bees? Bakit parang wala namang nababanggit si bees sakin?

At nung sinasabi niyang magkasama sa mall si bees at Waju, yun ang araw na muntik na akong mapahamak. Talaga bang hinanap ako ni Waju nun? O masaya lang silang nagdedate habang ako muntik ng mapahamak kung hindi lang dumating si Jack? At nung araw na yun, habang nakapiggy back ako kay Jack, masaya silang nagsasama nun na parang hindi niya naman ako hinanap.

Ewan ko, ano ba tong nararamdaman ko? Ito na ba ang tinatawag nilang selos? Pero, bakit ako nagseselos? Wala naman akong karapatan diba? Hindi ko naman siya boyfriend para magselos ako. At dapat hindi ako magselos, bestfriend ko sila pareho! Dapat masaya ako para sa kanila! Diba?

Pero bakit ang taksil ng luha ko? Bakit di nakikisama 'tong puso ko? At ikaw utak, bakit di mo sabihin sakin na hindi dapat ako magselos? Bakit?

Umupo ako sa Circle of Friends at dun ako tahimik na umiyak. Wala namang masyadong dumadaan dito, kaya safe ako.

Patuloy lang sa pag-agos ang mga taksil kong luha at naalala ko ang huling sinabi ng babae sa cubicle kanina.

" Pero girl, kilala natin kung paano magmahal si Prince Warren. Aha,"

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon